Masakit ang ulo ni Basagulo.

Sunday, December 28, 2003

Unang Pahina.

Ito ang unang pahina ng aking "blog". Marami akong gustong pasalamatan unang una ang aking kapatid, si Ar. Sabi niya ay dapat ko raw ipahayag sa buong mundo ang paghihirap na aking dinadanas. Opo, para daw matawa ang sanglibutan. HAHAHA, nakakatawa, pero tingnan ninyo ang mga kumedyante sa telebisyon, nagpapatawa base sa buhay na mahirap o hindi kanaisnais. Tingnan natin sa ibang angulo and buhay na mahirap at makikita natin ang nakakatuwang parte nito. Siyempre hindi lahat ng situwasyon ay merong nakakatawang parte kaya yun lang meron ang aking bibigyan ng kabuluhan.

Gusto ko ring pasalamatan ang isa kong kapatid, si Ti, opo, dalawa sila. Kung wala itong si Ti wala akong paghihirap sa buhay. Hindi naman po ganoong kagrabe itong si Ti, pero kung wala siya, wala akong kabuluhan sa mundo. Walang balanse, walang kuntinuwasyon ang oras at lugar (time -space continuum), walang yin at yang, walang fungshei. Walang materyal na maisusulat. BORING.

Huli ma raw at magaling maihahabol din, gusto kong pasalamatan and kamalasan ko sa buhay. Kung maswerte ako, wala akong maisusulat, walang blog. Opo, kung titingnan ko and buhay ko, puno ito ng kamalasan. Anumang pagaalaga ang aking gawin, umaapaw ng kamalasan. Kaya kung malungkot kayo, isipin ninyo ako at kayo ay masasayahan. Kasi, merong mas malas sa inyo. HAHAHA. Ang sarap ng buhay, kung kelan mo iniisip na "uy! okay ang buhay! BAMMM (sabi ni Emeril) tinamaan ka ng bagyo at lindol. Sabay sabay. Kaya kung akala mong suwerte ka na, hintay ka lang at tatamaan ka rin. HAHAHA.

Gusto ko ring pasalamatan and aking publisher pero wala pa eh. Kaya beter luk neks taym. Yung ding edetor ko, oops wala din pala. Praktis lang, kayo naman hindi mabiro. Hanggang sa susunod, babay.

basagulo