Masakit ang ulo ni Basagulo.

Saturday, January 03, 2004

Bagong Taon

Ang saya ng bagong taon ko. Unang una ay magkakasama kaming magkakapatid. Bihirang magkasamasama kami ng ganito at bagong taon pa. Maraming "factors" kaya kami nagkaroon ng pagkakataon sa taong ito. Naaprubahan ang hiningi kong eskedyul sa trabaho. Hindi on kol si utol Ti sa trabaho. At walang lakad si utol Ar.

Hindi naubos ang pagkaing inistak ko sa bahay kaya akey lang. Sinigurado kong walang matitira at hindi ko na kaya imetabolays and asukal. Inum kasi ng inum ng coke at walang eksersays. Sapul, diabetes. Okey lang may gamot naman. Akala ko helty hindi na pala.

Napuno ang mga kuwarto ko ng mga tulog na tao. Sabi ni utol Ar, "kasya pa ang apat na tao dito sa bahay mo." Tatlo kasi ang sofa sa bahay. Limang taon na ako sa bahay ko at ni minsan hindi pa ito napupuno ng tao. Paminsanminsan merong handaan pero bihira ito. Dalawa lang kasi ang kaibigan ko. Matalik na kaibigan itong mga ito. Mga tipong kapatid.

Meron din siyempeng mga bagong kilala. Itong kaigiban ng SO ni utol Ar. Ang pangalan ay CSJ. Nakakatawang tao at maingay. Yung bang malakas magsalita. Hindi naman binggi at mas bata siya sa akin. Malakas ang personalidad. Gusto niyang magduktor sa pilosopiya, matinding tao. Bilib ako sa mahilig magdiskasyon ng pilosopiya, mas bilib ako sa mga duktor ng pilosopiya. Mga pilosopong tao ito, walang panalo pagnakikipagdiskasyon ka sa kanila. Akala mo matalino ka pag pinagbigyan ka nila sa iniisip mo pero sa isip-isip nila, tanga ka lang. LOL Si utol Ar ay merong ganitong titulo. Matinding magisip si utol Ar kaya nakakalbo na. Nagiinit kasi ang ulo sa pagiisip kaya nalalagas ang buhok. Siguro kung titigil siya ng pagiisip tutubo uli ang buhok niya. LOL Game si utol Ar, hindi insulto iyun kasi ang iniisip niya ay tanga lang ako. LOL

Magpunta kami sa akwaryum kahapon. Para itong kulunggan ng isda at kung anuanong hayop ng dagat. Eksploytasyon ng mababang uri ng buhay. Kung tayo kaya ang ilagay sa hawla? Pati ibon ay nakakulong para panuurin ng mga taong walang puso. Pinipilahan para hawakan ang malambot at madulas na balat ng sting ray at pating. Mga walng awa, pati ako nakihipo. Parang bata. Ang litrato ko ay parang malaking dambuhalang lublob ang braso sa tubig para hipuan ang mga isda. Walang hiya, walang puri. Mahal kasi ang singgil sa takilya kaya naudyok na makihipo. Bastos talaga. LOL

Medyo may kayabanggan ako kahapon. Umuulan na nga at kamiseta at dyaket na walang "sleeves" and suot ko. Okey lang pag nasa luob ka ng akwaryum, sa labas, basa at lamig ang inabot ko. Lalo na nang lumakad kami papunta sa restawran. Ang lamig, nararamdaman ko ang bara sa puso ko na naninigas. Mukhang istrok o atake sa puso ang dadanasin ko sa lamig. Wala namang nagyari. Buhay pari sa awa ng diyos. Masama kasing tao, puro pera, babaeng mababang puri, at katamaran ang nasa ulo ko. LOL Wala kasing buhay.

Balik trabaho na uli ngayon. Umalis na si utol Ar and ang SO niya. Pait si utol Ti at pamilya niya ay umalis na. Maraming litratong nakunan para idokyumento ang mga pangyayari ng lumipas na tatlong araw. Mahigit na 300 - 400 litrato ang nakunan, hindi pa binilang ang mga wala sa pokus at mga walang plash. Apat na kamera at dalawang kamkorder. Matinding dokumentuhan ito, tinalo ang dyograpic sosayeti. Lo badyet pero hay kwaleti. Okey bah.

Eto wala nang muli tao sa bahay. Tahimik ng muli. Ang huli kong parti ay dalawang taon na ang nakakalipas at wala pa dito si utol Ar. Kaya espesyal itong pagsasalo na ito. Pag meron ng trabaho si utol ay siguradong wala na uling bakasyon iyun, mahirap na uling mag-parti.

Nakausap ko si pinsay Jey. Meron day mga bahay sa Bay area na limang kuwarto at 350,000 dolares lang. Hmmm, matingnan nga. Papasyal ako doon at baka maswertehan.

Ang ganda sa aming magkakapatid ay bihira kaming magkita kaya sabik pag nagkikita-kita. Ang lalayo kasi ng tinitirhan namin. Wala bang plano na magka-tabitabi. Maraming "factors" uli, boring na bagay, hindi importante. Ang importante ay baka kaya gamoong, nang hindi kami magka-awayaway. Yung ang landas ng buhay, tanggapin.

Maswerte kami sa pamana ni ama. Ang sabi ni ama, "wala akong pamana kundi ang pagpunta natin dito sa Amerika." Maraming salamat dad at mom. Kung nasa ibang bansa pa kami, siguradong mahirap ang buhay. Maraming pagpipilian dito sa Amerika. Saang bansa ka pupunta na pag wala kang trabaho ay babayaran ka ng gobyerno? Mabuhay ang Amerika.