Kinatay
Napanuod ko ang pagpugot ng ulo ni Nick Berg. Ngayon lang ako nakakita ng pagpugot na kutsilo ang ginamit. Parang kinatay siya at kung ilang hiwa sa kanyang leeg ang ginawa bago naputol ang kanyang ulo. Ganti raw ito sa mga ginawang kawalang-hiyaan ng mga Amerikano. Nakakatakot panuorin ang video na ito. Kaya kung maghahanap ka ng trabaho, huwag kang pupunta ng Iraq. Baka mapugutan ka lang.
Wala na si Dambuhala sa ICU. Puro lasengo ang pasyente namin. Okey lang sisiw na trabaho. Bigay lang ng gamot at patulogin na. Kumpara sa walang katapusang trabaho sa ibang ICU sa malalaking ospital. Takbo dito takbo doon. Hila diyan, buhat... isa, dalawa, tatlo. Arrggh ang bigat. Dapat merong weight lifting na pagaaral ng narsing. Walang katapusang buhat ang ginagawa namin.
Meron daw nagsumbong sa Dept of Human Services na kulang ang nars sa ospital namin. Ang hindi niya alam ay pag nagpatuloy ang sumbong nila at walang nagawa ang ospital, sarado kami. Tepok and ospital na ito. Papetek-petek na lang nga ang mga trabaho namin dito, sayang naman kung mawawala.
Tumawag ang isang companya na inaplayan ko nga trabaho. Meron daw offer. Pero siguro hindi nila maaabot ang gusto kong suweldo. Pero tatawag ako baka sakaling kaya nilang bayaran.
Patuloy and dilema ng aking buhay sa pagpapapayat. Chubby daw ako. 30-40 lbs overweight. Nagsimula ako sa aking workout. Ay naku, ang sakit ng aking katawan. Mabuti ito, maniwala ko o hindi, ibig sabihin ay gising ang mga laman ko. Buhay sila, tumitibok. Matagalang labanan ito. Masarap kumain eh.
Nasa Bay Area sila pamangkin kong babae. Mukhang nanggugulo ng mga tulog. Masarap basahin ang mga blog ni utol at ang blod ng syota niya. Puro tungkol kay pamangking babae. hahaha