HP
Pagtaglamig dito sa amin, nakakatamad. Eto, ilang araw na akong hindi nakapagblog. Isang linggong ulan ang inabot namin. Akala ko ay malulunod na ako. Pero magandang bagbabago ito. Ilang buwan ng hindi umuulan dito at medyo tuyo na ang lupa. Masaya na naman ang damo sa aking bakuran.
Medyo burned out na ako. Mahigit 60-70 oras na trabaho ang aking ginagawa sa isang linggo. Nagiipon para merong pangbakasyon. Ang problema ay hindi ko pa rin alam kung saan pupunta. Siguro sa tabi-tabi lang.
Nakakaasar sa trabaho. Marong umalis na nars at meron ding nagpapart time lang. Ang susunod naming schedule ay tatlo lang ang nars sa bawat araw. Malaking problema ito. Dadagdagan ng pasyente ang aming aalagaan. Imbis na tatlo, magiging apat.
Mahirap magalaga ng apat na pasyente kasi matindi ang pangangailangan nila. Buti sana kung tulog lang sila sa gabi. Merong hindi makahinga, nagsusuka, nagrereklamo tungkul sa duktor, nars, pagkain, at kung ano ano pa. REKLAMO, reklamo, reklamo. Eto ang trenta sentimo humanap ka ng kausap mo. BUWISIT.
Meron akong pasyente na beterano ng Vietnam war. Labas pasok sa ospital. Dati raw siyang "engineer" ng tren. Maraming kuwento, wala naman akong interes. Ala una na ng umaga at marami pa siyang reklamo. Hindi raw siya makatulog. Meron siyang pampatulog pero bumabagsak ang presyon niya kung iinom siya ng pampatulog. Buti ay merong gamot para itaas ang presyon niya pagbumagsak. Dalawang
Nahalata atang banas na ako. "Bakit, hindi ka pumasok para matulog, di bah? Ayun na. Pinagalitan ko. Sinabihan ko siyang hindi ako pumasok para matulog. Hindi rin ako pumasok para bastusin ng isang pasyente. Aayusin ko and IV niya pero wala na itong pagasa. Kailangan na itong palitan. Kailangang tusukin ko siya uli. "Sasaktan mo ba ako?" Paranoid na ang gago. Hindi kako, nars ako at hindi mapaghiganting tao. Tinuhog ko siya at wala naman reklamo. O, masakit ba? Hindi raw, hindi raw niya narandaman. Siyempre, magaling ata ako. hahaha
Isang pasyente ko ay napakabait. Mukhang inalagaan niya ang sarili niya kasi 80 anyos na siya at mukang 60 lang. Akala niya meron siyang sakit sa puso. Walang indikasyon na meron siyang atake sa puso. Masakit daw ang sibdib niya pero mukhang tiyan niya. Hindi naman daw siya gutom. Asido sa tiyan binigyan ko ng Mylanta. Tulog magdamag. Okay lang siyang pasyente. merong HP. Hispanic Panic. hahaha