Araw ng Puso
Pebrero na naman. Anong nangyari sa Enero? LOL Ito and buwan ng mga puso. Libre na naman ako sa gastos at wala akong pinagkakagastosan sa buwan na ito. Suwertehan lang mga pare. Walang bulaklak na ipadadala, walang regalong bibilhin, walang mamahaling hapunan at walang hassel. Ang masaklap ay....wala ring romansa.
Sa katapusan ng buwan ay kailangan naming ipahiwatig ang mga araw na gusto naming magbakasyon. Meron akong mahigit tatlong lingong bakasyon na naipundar. Saan kaya ako pupunta? Alaska tour, European tour, Hawaii.... Ah, kailangang mapagisipan ito. Hindi ako nakapagbakasyon ng nakalipas na taon. Siguro sa Hawaii. Simple lang, para wala masyadong hassle. Kung pupunta ako ng Europe kailangang mag-apply uli ng pasaporte. Pupunta sa Dept of State, papakuha ng litrato, etc. etc. Kakatamad.
Mababa na uli ang bilang ng pasyente sa aming ospital. Nag-"review" lang ako ng mga rekord ng mga bagong "admit". Karamihan sa mga pasyente namin ay meron ng edad. Atake sa puso, stroke, at GI bleed ang kadalasang "diagnosis". Sa araw na ito mahigit benteng "admit" ang dumating. Mabagal na araw pa ito. Pag-hindi ako nag re-review ng rekord, nag rerelyebo ako ng nars para makapag-break sila. Tatlong oras ding pabanjin-banjing ito. HINDI. Si tatang sa bed 3 ay natatae. Tumayo siyang magisa at pinagbubunot ang EKG wires, blood pressure cuff, at IV heplock. Ang laking tao ni tatang, puti na mataba. Hindi ko na pinilit bumalik sa kama at talagang disididong umebak. Ng matapos siya ay doon ko naintidihan ang matindi niyang pangangailangan. Isang kilong ebak ang nasa unidoro. Buti na lang at hindi constipated kundi sino ang dudukot ng ganong karaming ebak. Aba, parang ulo ng bata. Nanganak si tatang. LOL. Ubod pa ng baho. Siyang magisa ang naghugas ng puwet niya. Ang kaba ko lang ay kung madulas o biglang bumagsak sa sahig. Medyo malabo ang lakad siya. Dumuduyang parang lasing. Pagbumagsak ito patay ako. Sinong bubuhat ng balyenang ito. Ang taas pa ng kama. Buti nalang at walang insidente. Ng isang gabi, binunot niya ang foley catheter niya. Iyong catheter na nasa titi niya. Eh di nagdugo na parang kinatay na baboy, inflated pa iyong baloon ng binunot niya ang catheter. ARAY. LOL