Masakit ang ulo ni Basagulo.

Tuesday, January 20, 2004

Araw ng Pahinga

Natapos din and limang araw na pagtratrabaho. Pahinga ako ngayong gabi. Mabuti at walang tumatawag na ospital. Okey lang, hindi ako sasagot ng telepono. Matagal na rin akong hindi nakapag-blog. Medyo apura ang buhay ng lumipas na lingo. Bukod sa trabaho, nagsimula uli ako sa pag-workout. Mahigit anim na buwan na rin akon nag-wo-workout nakasanayan na.

Pagkatapos ng trabaho ay bumisita ako sa Walmart. Iyon ang hintuan ko pag tapos na ako sa mahabang sunodsunod na pagtratrabaho. Parang “reward” sa sarili ko. Bumili ako ng StarTrek DVD collection at yung bagong labas na CD ni Martina McBride. Sa trak palang ay binuksan ko na ang CD. Merong dalawang paboritong kanta na naririnig ko sa KZLA. Oh ang galing ng boses ni Martina. Kelan kaya ang konsyerto niya at mapanuod.

Ng dumating ako ng bahay ay sinimulan kong panuorin ang StarTrek Generations. Ng halos kalahati na, bagsak na ang mga mata ko. Oras ng matulog. Pagkagising ko ay tinapos ko yung movie. Ang galing talaga. Kaya paborito ko talaga ang StarTrek.

Masarap sa trabaho kagabi. Dalawang super bait na nars ang kasama ko. Buti na lang at hindi ako nag-call-in-sick. Meron kaming pasyente na manggagamot, binili kami ng pizza. Ang bait ni doc. Ang cute pa ng anak niyang babae, bata pa, nagaaral din ng narsing. Ayun, nag aaral ng physiology at may eksam kinabukasan. Kinakausap ko tungkol sa pagaaral niya pag-nasa banyo ang tatay niya. Mabait naman at hindi snob. Gusto niyang magaral sa collehiyong pinasukan ko ng narsing.

Kasama ko si C. Tiga Tarlak siya kaya ang punto ng tagalong niya ay napakatalas. Ang sarap pakinggan ng kanyang mga kuwento. Kababalik lang niya sa Pilipinas. Ayun maraming masasayang kuwento. Sa kanya pala yung bagong Mercedes E320 sa parking lot. Bilib talaga ako kay C. Wala rin siyang asawa pero may syota.

Yung isang nars naman ay si E. Kasama ko siya dati sa ICU. Mabait din siya at pareho kami ng mga gusto at hindi gusto. Talagang tsokaran. Nagkukuwento siya tungkol sa dati naming mga kasama sa trabaho. Hay, hindi ko na-mimis ang dati kong ospital. Maraming politika at intriga. Puro pilipino pa kaming lahat. Away-away. Tsismisan. Inggitan. Kaya siguro madalang ang asenso natin. Ah ewan.

Dalawang Pilipino din and pasyente ko. Wala namang problema, puro-monitoring lang at tipikal na pag-aalaga. Nagkaroon ng krisis sa med-surg. Nag-code ang isang pasyente. Hindi naming siya nasaklolo. Sana’y nasa mapayapa na siya. Inalagaan ko siya sa ICU ng nakaraang lingo. Isa siya sa maraming tao na natalo sa kamay ng kanser.