Aduas
Mahigit dalawang pu't dalawang taon na ako dito sa Amerika. Amerikan sitisen na rin ako. Noong nagaaral ako ng nersing meron akong kaibigan na kamaganak ko pala. Nagkita kami sa LACC. Isang kolehiyo sa Los Angeles. Ang gawi ng kanyang pananalita ay katono ng mga kamaganak ko sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Si M ay napakabait na tao. Biyaya sa akin yan ng Diyos, na magkaroon ng mga mababait na kaibigan. Sa pagkukuwentuhan namin, kilala niya pala ang mga lola at lolo ko. Natatandaan din niya ang mga paglalaro naming magkakapatid sa harap ng bahay nila.
Tuwing taginit sa Pilipinas, dinadala kami ng aming magulang sa probinsya. Ang naaalala ko ay malaking biyahe ito. Unang una ay mabagal ang takbo ng sasakyan namin at ma-trapik sa daan papunta sa probinsya. Maaga kaming umaalis ng bahay, kung minsan madilim pa ay lumalakad na kami. Meron ding araw na hapon na ang alis namin, depende sa panahon at paghahandang kailangan sa biyahe. Ang malaking usapan at awayan ay kung sino ang uupo sa tabi ng kotse na walang araw. Ang madalas panalo ay si kapatid na babae na si Ti. Di ba sabi ko na nga na may pagka-kontra-bida si ate. Walang lakaran na nasa araw siya. Malaking awayan ito at hindi pa umaalis ay nakaupo na siya sa loob ng kotse, unahan sa upuan. Anak ng tokwa. Nakapuwesto na siya sa loob ng kotse bago pa mapuno ng bagahe ito.
Masikip ang lakaran kasi kasama rin namin ang yaya namin. Anim kami sa isang Ford Taunus. Matataba pa kaming lahat. Buti naman at hindi kami nasisiraan o napaplatan. Pagtatawanan kami ng mga tao pag-nasiraan kami. Nakakahiya, parang side show
Ang kalye ay isa pang issue. Maganda ang kalye sa Metro Manila. Pagdating ng probinsya, siguradong sira na. Pagbumabagyo, baha ang mga kalye sa probinsya at parte ng Metro Manila. Natutunaw ang kalye pagnakalublog sa tubig. Alam mo na, tubig at aspalto ay hindi matalik na magkaibigan. Puro butas ang kalyeng pangprobinsiya. Walang erkon and kotse namin, bintilador lang. Pagmaalikbok ang daan ay isasara namin ang mga bintana. Napakainit sa loob, lalo na kung taginit. Sa Desyembre, mas malamig ang hangin. Pero, bihirang mangyari ang lakaran sa Disyembre.
Dalawang oras ang biyahe namin kaya kadalasan, ang hintuan namin ay sa Baliwag. Doon kami bumibili ng miryenda. Pepsi at mamon. Meron ding hintuan na tindahan sa tabi ng kalye, doon merong nilagang mais at kung anu-anong prutas. Yan ang highlight ng biyahe. Pag nasa Sta. Rosa na kami, malapit na ang Aduas. Meron kaming mga landmark na ginagamit. Kadalasan, mga bahay na malalaki. Marami ring mayaman na tao sa probinsya.
Pagdating sa bahay ni Papa at Lola, masaya na kami. Siguradong pati si dad at ma ay masaya din. Hindi na nila kailangang marinig ang ingay naming magkakapatid. Ang yaya namin ay walang angal, pero siguradong pagod din siya sa biyahe. Malamig sa bahay kahit walang erkon. Malaki ang bahay sa Aduas. Apat na malalaking kuwarto, malaking kusina, at katamtamang laking kuwartong kainan.
Magluluto si Lola at si yaya. Kung minsan si ma o si dad ang tumutulong. Pag handa na sisigaw si Papa, "Come and get it". Takbuhan na. Hindi puwedeng kumain kung hindi pa naghuhugas ng kamay. Hugas muna.
Pag tulugan na, nasa loob kami ng kulambo. Kung hindi magiging pasas ka kasi puputaktihin ka nang lamok. Meron din kaming Katol. Gas chamber ang walang hiya. Siguro kaya kami ganito, dahil na-gas kami ng maliliit pa. LOL
Maraming nangyari sa probinsya. Mahabang kuwento, siguro unti-unti kong ikukuwento, Okey?