Masakit ang ulo ni Basagulo.

Sunday, January 11, 2004

Pagsasalo

Pagkatapos ng labing dalawang oras na trabaho, nagpahinga ako para bumisita sa aking babaeng kapatid. Ilalabas nila ako para sa aking kaarawan. Sayang at wala si kapatid Ar, at kaarawan niya bukas. Maligayang kaarawan kapatid Ar. Alam kong binabasa mo ito.

Nagpunta kami sa kainang Peruvian. Masarap ang luto dito. Nagorder ako ng bipstek, madkaw!disis hahaha. Manok ang inorder nila utol. Pagkakain, naglakad kami ng aking pamangkin sa loob ng kainan. Buti nalang at walang maraming tao. Natutuwang makita ng ibang kumakain ang aking kiyut na pamangkin. Nagdesert kami sa bahay nila. Sarap ang taro cake. Meron ding regalo si utol na isang kahong barquillos. Sarap talaga, pero patay ako bukas. Magiging isang salop ng asukal ang aking buong katawan. DIABETES! Bakit hindi niya ako niregaluhan ng insulin? Puro asukal ang binigay sa aking kakainin. LOL

Habang nagmamaneho ako papunta kanila Ti, naisip ko ang blog ni utol Ar. Kumpara sa kanyang lugar, ang lugar ng blog ko ay parang "Ralphs plain wrap". hahaha Kailangang pagbutihan ko ang disenyo ng aking lugar.

Maraming tinanim na punong namumunga ang aking bayaw. Mahilig siyang magtanim ng kung-ano-anong halaman. Garantisado ang mga halaman sa lokal na tindahan. Ang tindahan na ito ay OSH (Orchard Supply Hardware). Kapatid tindahan ito ng Sears, ang tindahan na garantisado ang mga gamit pangkonstraksyon. Habang buhay na garantisado ang mga halaman sa OSH. Doon din ako bumibili ng halaman. Sa ngayon narangha lang ang tanim ko. Sana'y mabuhay ito. Magtatanim din ako ng ibang halaman ng namumunga. Balang araw ay hindi na ako bibili ng prutas.

Ang ayaw ko sa pagtatanim ay ang paghuhukay. Wala akong mahusay na gamit. Magara ang panghukay ni bayaw at maganda ang lupa sa kanilang bahay. Mabato ang lupa sa bahay ko. Isang oras bago ako makahukay ng isang butas. Masakit na ang mga kamay ko wala pang isang pulgada ang hukay. Para sa aso ang paghuhukay, hindi para sa akin. Minsan ay gumawa ako ng lakaran sa gilid ng bahay. Inabot ng tatlong buwan at walang katapusang sakit ng likod ang inabot ko. Maganda naman ng matapos. Ngayon ay meron nang damong tumutubo. Kailangang mawisikan ng pangpatay damo. Ang lakaran na ito ay bihirang nalalakaran. Ginawa ko lang, kasi nagpapaganda ng bahay.