Reklamo, reklamo, reklamo
Nakakaasar ang babaeng mareklamo. Pampalipas oras ba nila ito? Ano ba ang problema? Eto ang situwasyon. Itong si babae ay nakipaghiwalay sa siyota niya ng dalawang taon. Isang rason daw sa pagalis ni pogi ay tumaba na siya. Ayaw rin daw makipag-komit ni boss ngayong ang biological clock niya ay malapit ng maubusan ng tik-tok tik-tok. Naaasar din si chika dahil marami na siyang ipinundar na damdamin at oras sa relasyon na ito. Medyo mapait ata ang paghihiwalay nila kasi marami pang natitirang kasuklaman sa kanyang puso. Masisisi mo ba siya?
Sa opinyon niya, ang pagmamahal daw sa isang lalaki ay tungkol sa responsibilidad at posisyon sa lipunan. Na ipinapahiwatig ng kanyang abilidad na magkupkup ng kanyang pamilya. Ito raw any ang abilidad na pakainin, damitan, at bigyan ng magandang mana ang pamilya pag namatay na siya. Hindi raw makahulugan sa lalaki na kupkupin ang damdamin, at bigyan ng importansya ang babae. Pamilya ang nagbibigay importansya sa lalaki sa lipunan.
Hmm, kung titingnan ko ang mga kaibigan kong lalaki, ni minsan hindi ito naging paksa ng aming usapan. Hindi importante sa kanila ang katayuan sa lipunan. Mas matinding usapan ang pagiging matapat sa kanilang asawa. Malakas ang tulak ng tukso sa laman. Kadalasan politika ang usapan. Edukasyon ng anak nila ay importante rin. Ibinagyayabang nila na nasa honor-roll ang kanilang anak.
Hindi rin paksa sa mga babae na importante sa asawa nila ang katayuan sa lipunan. Sa tingin ko importante sa lalaki na bigyang halaga ang damdamin ng kanilang asawa/syota. Bakit uso ang Valentine's day? Puno ang mga lugar kainan sa araw na ito at ubos ang bulaklak sa tindahan. Maaaring merong mga lalaking ganito ang hangarin sa buhay pero sa aking karanasan, bihira ito.
Mas marami akong babaeng kilala na gustong itaas sa lipunan ang kanilang pamilya. Dalawa ang trabaho para ibigay ang pinakamahal na edukasyon sa kanilang anak. Marami ring naka-Mercedes Benz. Ang mga kilala kong lalaki ay ordinaryo lang ang sasakyan. Siyempre meron ding mayabang, kaya kataliwasan (exception) ang mga taong iyon.
Ang karanasan ko sa tao ay limitado sa gitna at mababang klase ng lipunan. Siguradong iba ang patakaran ng mayayaman. Ibang circulo ng lipunan ang kalibre nila. Hindi ka ninanais na maging isa sa kanila. Kung yayaman ako, sa awa ng Diyos, kailangang ibalik ito sa mga nangangailangan. Hindi para makipagbangaan sa mayayaman.
Ano nga ba ang pagmamahal. Okay, sa aking perspektib, ito ay parang walang hanggang kagustuhan sa isang babae. Libog? kasama na iyon. Hindi ako magkakaroon ng intensyon sa isang babae na walang kasamang libog. Libog ang nagpapalakad ng mundo. Isa ito sa mga listahan ng kasalanan. Alam mo na, katimawaan, karamutan, kalibuga, katamaran...etc. etc. Puwede bang magkaroon ng kaibigang babae na hindi ka naaatrak? Sa akin hindi, sayang lang ang oras ko kung panggit ang kausap ko. Kung minsan masarap kausap ang matalinong tao. Pero masmakahulugan kung maganda siya. hahaha
Kung suswertehen, ipagkakaloob ng Diyos ang isang babaeng magiging kaibigan ko sa habang buhay. Importante ang babaeng magbibigay ng walang hanggang pagmamahal sa akin. Siyempre walang hanggan din ang pagmamahal ko sa kanya. Malawak ang isip sa bagong kaisipan.
Oo, totoo na kailangang maging matapat ka sa syota/asawa mo. Malas sa buhay ang pangbababae. Leksyon ni dad yan sa akin. Oras na magasawa ka na, yan lang asawa mo ang iyong mamahalin.
Sa dami ng mga nars na may asawang walang trabaho, siguro merong malalim na kahulugan sa relasyon nila. Babae ang nagtratrabaho, nagluluto, at naglilinis habang si mister ang nagaalaga ng bata. Hmm, nasaan ang responsibilidad at importansya ng pamilya. WALA. Basta masaya si misis at may romansa sa gabi, bilog ang buwan at patuloy ang inog ng mundo sa araw, walang problema. Tama na ang reklamo. Maghanap na ng bagong mahal sa buhay at matuto sa leksyon ng nakaraan.