Suweldo Survey, stone age, Pinoy pasyente
Ayon sa survey, bumagsak ng 4% and suweldo ng nars sa Amerika. Katakataka. Akala ko ba ay may shortage ngayon ng nars. Ayon sa ulat, enhinyero daw ang malaki ang suweldo yung mga nasa komputer, kemikal, at iba pa. Siguro tumataas uli ang demand sa sektor na ito. Anak ng tupa, noong 1985's iyon din ang sabi nila kaya naging enhinyero ako. Pero biglang bagsak ang aerospace ng matapos ako ng kolehiyo. Isang tambak ang utang ko at walang trabaho. Kalokohan ang mga survey na ito. Kaya nagkakrisis sa narsing dahil sa mga survey na nagbibigay ng maling forecast.
Sa trabaho kong part-time, may pagka-stone age ang sistema namin. Hanggang ngayon ay wala pa kaming kompyuter para ipasok ang mga utos ng duktor sa pagasikaso ng mga pasyente. Papel parin ang aming ginagamit para umorder ng x-ray, labs, cultures, atbp. Napakatagal na sistemang ito, inabot ng isang oras para lang isulat lahat ang inorder ni doc kagabi. Ang sama pa, bawat oras ng test, isang papel ang kailangan. Sakit ng ulo.
Naospital ang kapitbahay kong si G. Nabigla ako at merong tumawag sa pangalan ko habang naghahanda akong magbigay ng gamot sa isang pasyente. Meron daw siyang sakit sa dibdib. Naisip ko nga siya ng hapon na iyon at gusto kong hiramin ang trak niya para mahakot ang widescreen t.v. na tinitingnan kong bilhin. Meron na siyang history ng chest pain. Sanay magamot nila ng maigi si G. at siya ay magaling na kapitbahay. Napakamatulungin, madalas siyang nagpriprisentang tumulong. Kahit ano raw ang kailangan ko tumawag lang. Siya ang unang bumati ng lumipat ako sa bahay ko.
Meron din kaming pasyente na Pinoy. Napakaarte ni tatang. 80 anyos na at isang uod na lang ang hindi pumipirma. Palautos at may kabastusan ayon sa mga nars na nagalaga sa kanya. Abugado raw sa Pilipinas noong araw. Anong pakialam namin. Nasa amerika na siya at anong gagawin niya, idedemanda kami? Ekskyus me. Natatandaan ko noong sabado, wala siyang masabi habang sinasaklolo namin siya sa kanyang karamdaman. Ngayong magaling na WALANG UTANG NA LOOB. Buwakang ina talaga. Kapwa Pinoy na ito. hahahaha Sarap talagang maging nars.
Minsan ay doktor naman ang naging pasyente ko. Pinoy din. Ah napakabait ni doc. Mabait din yung anak niyang dalaga at napakakyut. hehehe. Walang malisya. Obserbasyon lang. Madalas siyang nakangiti at malambing, di kuha niya lahat ng kailangan ng tatay niya. Kung nakabusangot at panggit, mahinog siya. Mamumuti ang mata niya ng kahihintay. hahahaha