Sari Saring bagay.
Patuloy ang pagsasanay ko sa "dialysis". Iniupa ako ng kompanya ng hotel na malapit sa "training center". Hindi naman kalayuan sa bahay pero libre ito at hindi malalaspag ang kotse ko pagmamaneho. Maraming usapan sa trabaho tungkol sa mga hirap na dinanas ng mga bagong nars sa dialysis. Hindi ko pinapansin ito dahil iba't iba ang magiging karanasan namin habang tinatapos namin ang aming pagsasanay. Hindi pa naman ako minamalas. Ang importante ay maging maingat sa trabaho at hindi masaktan ang pasyente.
Bumili ako ng mga gamit para sa "wireless network" dito sa bahay ko. Hindi talaga kailangan pero ito and uso at gusto kong maranasan ang "wireless" na setup. Umorder ako ng modem sa AOL at ito ang kulang kong sanggap para mabuo ang aking "network". May kalumaan na kasi ang modem na ito kaya oras ng palitan. Hindi ako makaantay.
Meron daw gustong ipakilala sa akin ang kasama ko sa trabaho. Tiga Canada raw at dalaga pa. Nagbiro ako. "ano, walang green card?" Bakit ganyan kayo? tanong ng aking kasama. Sabi ko naman ay biro lang, ganoon talaga ang usong biruan pagmerong pinapakilala na galing sa ibang bansa. Ang sabi ko lang ay sana'y walang asawa at anak sa Pilipinas. Wala daw at matagal na niyang kasama sa Canada. Baka ako naman daw ang may anak at asawa sa Pinas. Hmm, kung meron, interesting na tsismis ito. LOL