Masakit ang ulo ni Basagulo.

Monday, August 02, 2004

Mahirap ata.

Balik sa trabaho at tapos na rin ang mga klase sa dialysis. Puro pagsasanay sa hospital na ang aking gagawin. Naka isa akong pasyente at marami akong paghihirap na naranasan. Unang una ay mahirap dumaloy ang dugo sa kangyang "access". Madalas ang alarma ng makina at halos lapnos ang aking mga daliri sa pagpindot ng mga buton para patahimikin ang timbre ng mga alarma. Dalawang beses pa akong nagpalit ng linya. Wala ring nangyari. Halos isang galong pawis ang dumaloy sa aking katawan. Halong takot at taranta. Hindi madali ang dialysis na ito. Kahit marami kaming pinagaralan sa klase iba talaga ang nasa hospital. Panatag ang "preceptor" ko sa aking abilidad. Baka raw pakawalan na niya ako sa isang linggo. Sanay matuto pa akong mag"trouble shoot".
Dumating na ang aking DSL modem at walang problema. Mabilis ang koneksyon. Malamang bukas ikakabit ko ito sa network. Sana'y maaga akong pauwiin bukas. Hindi parin naguusap ang Mac G4 ko at PC kaya malamang hindi ko magagamit and G4 sa aking DSL modem. Kailangang mag "research" sa internet kung anong kailangang gawin.