Bagong araw.
Natapos na naman ang isang araw sa trabaho. Isa ito sa mga magandang araw. Walang nasirang makina. Natapos sa sampung oras and dalawang pasyente. Nagapag-break pa ako ng 15 minutos. Masaya akong umuwi. Ng nasa parking lot na ako ay hindi tumimbre ang alarma ng kotse. Sinilip ko ang switch ng ilaw, naka-on. Naubos and karga ng baterya. Pumasok ako sa loob at tinanong ko ang guwardya kung meron siyang pang"jump". Ah, meron daw. Mabutit handa siya. Kung tatawag ako ng triple A ay aabutin ng isang oras bago sila sumulpot.
Sana'y ganito araw-araw. Pero hindi ko iibahin ang plano kong makahanap ng mas maiging trabaho. Nagaplay ako kagabi sa isang website para sa nars at kaagad sumagot ang kompanya. Tumawag dito sa bahay. Nag-fax siya ng isang listahan ng mga kailangan papeles. Walang problema. Halos lahat meron ako. Kailangan ng doctor's letter para clearance na healthy daw ako. Madaling kunin yun. Hanggang sa susunod. Ingat kayo.