Masakit ang ulo ni Basagulo.

Wednesday, October 13, 2004

Isa na namang araw ng pagsasanay.

Training na naman ngayon. Pano, yung tinuturo nila sa amin ay hindi nagagamit kaya madaling makalimutan. Mabuti't nagpunta ako at nakausap ko ang ibang nars na katrabaho ko. Pareho ang aming mga karanasan. Siraing mga makina, magulong pamamalakad ng mga amo, mahabang oras ng trabaho, at mababang suweldo. Naghahanap narin sila ng trabaho katulad ko. Pati kulunggan ay inaaplayan. Maganda raw ang benefits sa County Jail. LOL.

Wala pang suwerte sa paghahanap ng trabaho. Blanko na naman ang answering machine. Wala pang sumasagot sa mga applikasyong pinadala ko noong isang linggo.

Malapit na ang pasko at mukhang walang panggimik. Okay lang kung medyo malabnaw ang pasko. Ang importante ay matatag ang selebrasyon sa kaarawan ni Kristo.