Masakit ang ulo ni Basagulo.

Wednesday, April 06, 2005

Joke from a friend, enjoy.

No opens plis to all Uragons...
DAN, THE BIKOL MAN

Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.

Isang araw, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.
“Pareng Dan,” sabi ng kumpareng tinatago ang inis, “Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa Mall para malibang ka.”
“Kung may problema ka, tawagan mo lang ako sa telepono. Papasok na ako sa opisina.”

Dahil siguro sa hiya ni Dan, Kahit nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas. Tuwang tuwa si Dan sa pamamasyal sa Mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya, ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan.
Tanong ng cashier, “Visa or Master Card?” Haripas si Dan palabas dahil sa takot! “Aba, hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako! Shet!” Sakay>kaagad siya sa kanyang kotse. Harurot.

Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, “Sir, PAY FIRST, please.”
“Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!”
Nagtatakbo si Dan sa>mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng payphone. “(Hingal)

Kailangang matawagan……ko si kumpare……para masundo niya ako rito (hingal).”
Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, “AT&T how may I help> you?”
“Aba, anak ng putakti, alam na TNT ako! Buking na ako!”
Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya, tanong ba naman, “Are you DONE?”
Napahandusay sa Dan sa phonebooth. Biglang bulalas, “Buray kan ina!, alam pa nito ang pangalan ko!”
Nagulat ang tisoy sabi kay Dan, “Hey, be COOL, man!”
“Naku! Alam pa’ng taga Bicol ako!”

“Is that your GREEN CAR parked in the red zone?” Hihimatayin na si Danny Boy! “Hinahanapan pa ako ng green card!!!!!”
Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na “Dan Balikbikol.”

Bwahahahahahahahahaha !!!!!!! Plis, no opins to da Bikolanos. Da karakter in dis stori can represent one prom BIBAK or any place prom our bilabid kantry