Masakit ang ulo ni Basagulo.

Friday, December 03, 2004

Dentista

Limang oras at kalahati akong nakaupo at nakahiga sa sliya ng dentista ngayong umaga. Maraming gagawing ngipin. Dalawang krawn ang ikinabit at lima pa ang sinukat. Pitong krawn ang total. Isang bridge at partial ang inorder. Nagpalinis ng ngipin at nagpa "bleach". Hindi pa tapos at meron pang veneer na pitong ngipin.

Oberhol ng ngipin ito. Malaking bagay at halos labing limang taon kong napabayaan ang mga bata kong ngipin. Nag pa "brace" pa ako at nasira lang. Hindi ko gustong bumisita sa dentista kaya eto, "pay back time".

Alagaan ninyo ang mge ngipin ninyo para hindi kayo magtulag sa akin. Buti na lang at merong insurance kundi para akong bumili ng Honda Civic sa halaga ng pagpaayos ko ng ngipin. May kamahalan ang mga krawn dahil ginto ang loob. Hindi raw mangingitim ang looban. Kung tinga ay iitim ang mga loob ang gilid ng krawn.