Masakit ang ulo ni Basagulo.

Thursday, April 29, 2004

Sex and the City

Ano ba ang big deal sa palabas na ito? Sa pay-cable lang pinapalabas kaya kung wala kang HBO. sorry na lang. Mula pa ng 1998, ni minsan ay hindi ko napanood and palabas na ito dahil wala akong pay cable. Cheap lang kasi ako kaya ganoon.

Naglalakad ako sa Walmart noong isang gabi at nakita ko ang Sex and the City DVD pack set. Bibilhin ko sana pero napakaraming tao ang nakapila sa kahera. Nakakahiya sa isang lalaki ang bumili ng produktong ito. Mukhang manyakis ako. Ang isa pa, merong timbre and pakete kaya napakalaki ng pagkabalot. Yung timbre ay security device na parang kasing laki ng pandesal. Nakatali ito sa DVD. Siguradong titingnan ng mga tao kung ano ang aking bibilhin. Pakirandam ko ay bibili ako ng x-rated na producto. Nakakahiya talaga. Hindi ko binili.

Ng sumunod na araw ay nasa Target ako. Isang tindahan na para ring Walmart. Doon nakita ko uli ang DVD ng Sex and the City. Okay, hinanap ko talaga, hehehe. Aba, kumpleto ang series at walang timbreng nakakabit. Binili ko ang apat na series. Bumuli rin ako ng mga produkto para panglinis ng kotse. Sampoo, squegee, wheel cleaner, wax, wax applicator, at basahan. Yup, pati basahan ay binili ko. Nauubusan na ako ng t-shirt, panglinis ng kotse, hahaha. Inabot ng $200 ang buwisit.

Pagdating sa bahay ay sinimulan ko ang marathon ng Sex and the City. Tama ang titolo ng palabas, puro sex ang pinaguusapan ng palabas na ito. Para bang wala ng AIDS, HIV, at STD. Nakakatawang nakakabuwisit panuurin. Unang una saan mo makikita ang mga ganitong klaseng babae at kung makakita ka ng isa, papatulan mo ba? Mga puta ang mga babaeng ito at ang mga lalake, well, parang mga asong ulol na sex ng sex. Walang kahulugan ang palabas kundi ibagsak ang puri ng babae. Pang palipas oras lang ang palabas na ito, mababaw ang mensahe at walang kahulugan. Kaya ayun, tinapos ko rin ang mga palabas dahil nakakatawang nakakabuwisit. Hahaha.

Sa susunod uupa na lang ako ng xxx. Yun alam kong talaga na walang kahulugan, walang istorya, at walang mensahe.

Nilinis ko kaninang umaga ang trak ko. Madungis na at ginamit ko ito ng magpunta ako sa Oakland, Calif. Maraming patay na insekto at kailangan na talaga ng matinding hugasan. Nilagyan ko rin ito ng isang pahid ng wax. Isang pahid lang at matrabaho ito. Napakaganda ng trak ko. Pati ang mag-wheels ay malinis. Nakakahiyang gamitin, hehehe.

Wednesday, April 28, 2004

Walang trabaho

Umalis na ako sa aking pinagtratrabahuhang hospital. Wala ng pagasa sa lugar na iyon. Anim na taon din ang tinagal ko. Sanay doon na ako magreretiro, pero baka hindi na ako umabot ng retirement kung magtitiis lang ako sa paghihirap.

Walang tatapat sa mga benefits sa K hospital. Ang gagawin ko ay mag-reregistry nalang muna. Ako ang bahala sa aking schedule at puwede ko ring gawing walang weekends. Sa weekends ay susubukan kong simulan ang wedding photography business ko. Malaking pera na ang ipinundar ko sa pagsimula ng negosyong ito pero walang resulta dahil malaki rin ang kita sa narsing. Matinding pagbabago sa pagiisip at pagpaplano ang aking dapat gawin para mabitiwan ang pagdepende ko sa narsing. Suwertehen sana ako.

Wala na ang aking matinding interes sa narsing. Narating ko na ang aking panaginip na maging critical care nars at cardiac surgery narsing. Kailangang habulin ko na ang aking panaginip sa photography. Mahirap ang trabahong nars. Burned out na ako at wala ng pakialam sa propesyon na ito. Pera na lang. Dahil sa pera kaya ako nars. Parang malungkot pero karamihan sa mga nars ay ganito ang pagiisip. Dati, we care, ngayon, show me the money. Wala namang pakialam ang mga amo ko, bakit ako? What do you think of me, thinking of you? hahaha

Tuesday, April 27, 2004

Kill Bill Vol. 2

Walang magawa kaya nanuod nalang ako ng sine. Napanuod ko sa Oakland ang pelikulang Kill Bill Vol.1 sa DVD. Magaling, maraming patayan at madugo. Walang sex pero okey ang istorya. So, para matapos na ang istoya ni Bill, pinanuod ko ang Vol.2. Isa pa napakainit, spring palang, saan galing ang init na ito?

Wala masyadong patayan at duguan ang Vol. 2 Medyo nakatulog pa ata ako. Puro usapan kulang sa hiwaan. Sayang lang ang samuray kung walang hiwaan. Puro rekoleksyon eka nga. Okey ang blak en wayt epek. So, so ang pelikulang ito pero wakas na ang istorya ni Bill akala ko ay meron pang Vol. 3.

Monday, April 26, 2004

Bakasyon

Tanghali na ang alis ko sa bahay papuntang Oakland, Calif. Tatlong oras akong nagimpake ng damit, kamera, at kung anu pang bullshit para sa biyahe ko. Wala akong kasama kaya wala akong kausap sa 7 oras na pagmamaneho.

Tumatanda na ata ako dahil napakatagal ata ng aking biyahe. Alas siyete na nga gabi ang dating ko. Kumain kami sa sushi house ng gabing iyon. Masarap ang lutong salmon. Hindi ako masyadong kumain ng sushi.

Bumili ako ng Aero mattress, ang buwisit at rechargeable ang inflation pump kaya hindi ko agad nagamit. Ramdam ko ang tigas ng sahig. Hindi na ako sanay matulog sa sahig. Dati, iyon ang paborito kong higaan kasi wala akong kama. Ng magkabahay ako ay bumili ako ng queen size na mattress. Hindi ko miss ang sahig.

Ng sabado ng lingong iyon ay nagpunta kami ni utol at siyota niya sa Vallejo Farmer's market. Bumili kami ng pang sushi. Mero ding silang tinapay na ang tawag ay senorita. Parang pandesal na may mantikilya at asukal. Masarap kung maiinit pa. Kumain din kami ng banana-Q.

Tumuloy kami sa tiyuhin ni Em. Araw ng kaarawan niya. Bilib talaga ako sa mga Pinoy. Sila na ang naglagay ng Pergo floor sa loob ng bahay at vinyl flooring sa kusina. Parang pro ang pagkagawa. Tatlong araw nilang inupakan. Masakit nga raw ang likod at tuhod nila.

Masarap ang pagkain, litson, pansit, papaitan, inihaw na talba, sarisaring dessert, at kung anuano pa. Bundat ang inabot ko. Masaya ang usapan. Masaya ang mga bata at matanda sa paglalaro ng basketball. Meron ding nagdala ng mini motorcycle. Napakaliit ng motor para bang pangbata pero hindi ko iririkomenda ito. Mukhang delikadong gamitin.

Alas onse na ng gabi kami umuwi. Buti na lang at nag power nap ako sa trak ko. Nakapagpahinga rin. Nanood pa kasi ng Kill Bill Vol. 1. Hindi na namin natapos at patulog na ang mga mayari ng bahay. Nakakahiya na. Doon na nga kami pinapatulog.

Ng linggong iyon ay sa bahay lang kami. Kailangang magpahinga naman. Kaya nga bakasyon. Nagihaw ng talaba na tira sa party at isda. Napakasarap na tirang pagkain ito. Ng gabing iyon ay nanuod kami ng Lord of the Ring, Return of the King. Luma na ito pero hindi ko pa napanuod kaya bago sa akin. Okey lang key utol na panuorin ulit. Hindi ko siya masisi, napakagaling na pelikula. Kaya nanalo ng napakaraming Oscar. Siguradong bibilhin ko itong series na ito.