Masakit ang ulo ni Basagulo.

Wednesday, May 12, 2004

Presyo ng gasolina

Tumataas ang presyo ng gasolina dito sa L.A. (sa tutoo lang buong mundo) pero hindi ganyan kalawak ang usapan natin. Sabi ng mga ekspert, mas tataas pa sa darating na mga buwan. Summer na kaya maraming nagbabakasyon. Mataas ang pangangailangan sa gasolina kaya mataas din ang presyo, ekonomiks di bah? Pero merong twist ang gasolina dito sa California. Espesyal ang pormulasyon na ginagamit namin dito para wala masyadong naaapektuhan ang enbayrunment (hehe, pausong tagalog). Kami rin ang nagbabayad ng espesyal na pormulasyon, hindi ang mga kupal na politiko na nagpasa ng mga batas para sa bagong pauso na gasolina.

Kahit na espesyal pa ang gasolina poluted parin ang hangin. Sacramento, L.A., San Fransisco, Bakersfield ay ilan lang sa mga TOP 20 poluted na siyudad sa Amerika. Kung ganito rin lang ang resulta, balik na tayo sa lumang pormula. Shit, mukhang palpak ang pormula.

Hey, and dating state ni Pres. Bush, Texas, ay isa sa mga pinaka poluted na state dito sa Amerika. Basta okey sa mga bata niya na kumita ng limpak-limpak na pera okey lang sa kanya. Kung puwede nga lang ay titirahin na rin niya ang Alaska. Langis, langis, langis. Maikli lang ang buhay, sige, dril lang ng dril para sa langis. Sho me da money, honey.

Ang presyo daw ng gasolina noong 1950's ay pareho rin ng presyo ngayon kung isasama ang epekto ng implaysyon. Mabuti na lang at meron akong maliit na kotse.

Kinatay
Napanuod ko ang pagpugot ng ulo ni Nick Berg. Ngayon lang ako nakakita ng pagpugot na kutsilo ang ginamit. Parang kinatay siya at kung ilang hiwa sa kanyang leeg ang ginawa bago naputol ang kanyang ulo. Ganti raw ito sa mga ginawang kawalang-hiyaan ng mga Amerikano. Nakakatakot panuorin ang video na ito. Kaya kung maghahanap ka ng trabaho, huwag kang pupunta ng Iraq. Baka mapugutan ka lang.

Wala na si Dambuhala sa ICU. Puro lasengo ang pasyente namin. Okey lang sisiw na trabaho. Bigay lang ng gamot at patulogin na. Kumpara sa walang katapusang trabaho sa ibang ICU sa malalaking ospital. Takbo dito takbo doon. Hila diyan, buhat... isa, dalawa, tatlo. Arrggh ang bigat. Dapat merong weight lifting na pagaaral ng narsing. Walang katapusang buhat ang ginagawa namin.

Meron daw nagsumbong sa Dept of Human Services na kulang ang nars sa ospital namin. Ang hindi niya alam ay pag nagpatuloy ang sumbong nila at walang nagawa ang ospital, sarado kami. Tepok and ospital na ito. Papetek-petek na lang nga ang mga trabaho namin dito, sayang naman kung mawawala.

Tumawag ang isang companya na inaplayan ko nga trabaho. Meron daw offer. Pero siguro hindi nila maaabot ang gusto kong suweldo. Pero tatawag ako baka sakaling kaya nilang bayaran.

Patuloy and dilema ng aking buhay sa pagpapapayat. Chubby daw ako. 30-40 lbs overweight. Nagsimula ako sa aking workout. Ay naku, ang sakit ng aking katawan. Mabuti ito, maniwala ko o hindi, ibig sabihin ay gising ang mga laman ko. Buhay sila, tumitibok. Matagalang labanan ito. Masarap kumain eh.

Nasa Bay Area sila pamangkin kong babae. Mukhang nanggugulo ng mga tulog. Masarap basahin ang mga blog ni utol at ang blod ng syota niya. Puro tungkol kay pamangking babae. hahaha

Friday, May 07, 2004

Dumbo

Nakatira ngayon sa aming ICU si Dumbo. Mexicano, 700 lbs, dating gang member, bastos, at kulang sa pansin. Sa katabaan niya ay hindi siya makahinga, maraming problema sa puso niya, at siguradong may sira sa ulo.

Meron na siyang tracheostomy dahil madalas hirap siya sa paghinga. Lubog sa taba ang kanyang ulo. Hindi mo na kita ang titi pero maga ang betlog. Sabi nila, napakabaho niya ng unang dumating sa ICU. Bumabaho kasi ang mga pinagtiklupan ng mga taba ay hindi nahuhugasan. Limang tao ang nagpapaligo sa kanya. Mabuti at hindi nagtatae.

Walang gustong magalaga sa kanyang nars. Naninigaw, nagmumura, at nagbabantang manununtuk. Sino ba ang may gustong magalaga sa kanya. Meron kaming listahan ng nars at halili ang asaynment sa kanya. Kailangang subuan pa at hindi niya kita ang plato sa laki niya. Puro talagang taba.

May problema rin siya sa impulse control. Hmmm, walang duda. Kaya siya lumaki ng ganito kasi walang kontrol. Inalagaan ko siya at mahirap talagang maintindihan ang sinasabi niya. Parang naghihingalo. Madali ring maubusan ng pasensya dahil mahirap ulitin ang sinasabi niya. Nakakaawang nakakabuwisit. Palautos pa at pag hindi mo ginawa agad ay nagagalit. Mahinog siya ng kaaantay.

Maraming nars ang hindi pumapasok dahil sa kanya. Minsan daw ay anim na nars ang tumawag na may sakit. Sori na lang. Paano kaya siya pag nag code blue? Hindi namin abot ang dibdib niya para chest compression. Siguro tatawag kami ng maliit na nars at patatayuin namin siya sa dibdib ni dumbo at tatalon siya pag handa ng mag chest compression. HAHAHA. Hey, kung uubra, bakit hindi.

Sunday, May 02, 2004

Balik trabaho

Tapos na naman ang bakasyon ko. Opisyal na ito. Kailangan ng magtrabaho kundi baka hindi na ako bumalik. Hehehe, kung minsan hindi mo masisisi ang mga bum. Hindi sila nagtratrabaho at sinusuportahan ng gobyerno.

Mainit na naman daw bukas. Nilinis ko and swimming pool ko kanina at malamig pa ang tubig. Ilang lingo pang init at handa na ang pool sa swimming. Meron daw drought sa California. Kaya eto konteng tubig lang ang ginagamit ko sa pagdilig. Isa pa, sa hapon lang ang dilig ko para hindi matuyo agad ang lupa.

Bakasyon si utol Ti simula sa biyernes. Bay area din ang tuloy nila. Duon din niya iseselibrayt ang kaarawan niya. Hapi bertdey utol! hehehe. mey yu hab a greyt wan. Miss ko na ang pamangkin ko. Kailangan ko na siyang mabisita.

Hinid ako nakapunta sa perya, ang init kasi. Nakakatamad. Rinig ka ang mga tugtugan at hiyaw ng mga bata na nakasakay sa periswil. Natuloy ako sa Costco. Bumili ako ng karneng pangihaw, pang salad, at Clorox. Importanteng nililinis ang mga hawakan ng mga gripo. Andoon nakatira ang mga baktirya. Yung sponge na panglinis ng plato ay punong puno ng bakterya. Yung drain ng sink, at tabla na panghiwa ng karne at gulay ay puna rin ng baktirya. Konteng Clorox, tepok sila.