Masakit ang ulo ni Basagulo.

Friday, January 30, 2004

Tigalawang pasyente lang kami ngayong gabi. Maraming nars dahil maraming pinauwing pasyente. Medyo pagod pa ako. Nagpaayos ako ng ngipin. Limang oras na tulog lang ang nakuha ko. Iinom nalang ako ng isang galong kape sa trabaho.

Ako lang ang lalaking nars ngayong gabi. Sanay hindi magpabuhat masyado itong mga kasama ko. Bumibigay na ang anking likuran. Kadalasan ako ang tigatulong kahit meron akong sarili kong pasyente. Masyado kasing mabibigat ang mga pasyente, mga dambuhala. Napansin kong masmadaling gumaling ang mga payat na pasyente. Yung mga malalaking tiyan ang nahihirapan. Sila rin ang madalas hindi makakilos at hindi makahinga. Malaking tiyan kaya hindi maigalaw ang kanilang katawan sa kama. Malaking tiyan kaya hindi makahinga. Kung minsan hindi raw sila kompurtable. Eh panong magiging komportable ka eh ang laki-laki mo. Halos mapuno ang kama. Umaatungal ang kama pag itinataas ang ulunan. Eeennnnngggggrrrrrrkkkkkk. Ang mga gulong ay pisa. Mga solidong gulong ito. Naku, baka bumigay ang sahig!

Kasama ko si nars E. May ka-kyutan siya, tipo ko. Wala pa ring asawa. Sa balita ko ay naghahanap rin. Mabait siya at matulunggin. Masaya siya ngayon kasi dalawa lang ang pasyente niya. Nagkataon na break siya kaya sinundan ko sa kusina ng unit namin. Napagusapan namin ang buhay-buhay. Na importante na maging masaya kahit na nars lang kami. Ito siguro ang tawag namin sa buhay. Mahirap ang trabaho namin. Kadalasan pati ang kalagayan namin ay nakasalalay. Meron kaming mga pasyenteng malala at merong nakakahawang impeksyon. Merong TB, MRSA, VRE, meningitis at iba pa. Nagaalaga kami sa loob ng mga kuwartong puno ng nakakahawang hangin. Mabuti at meron ng "negative pressure" na kuwarto. Merong "filter" na nagaalis ng bakteria sa hangin. Kami rin ang nagaalaga ng mga pamilya na hindi makaugaga sa pagkasakit ng minamahal nila. Kailangan nila ng garantiya na gagaling ang kanilang ina, ama, anak, lolo, lola. Kung minsan kami ang nagsasabi na malubha na ang kanilang kamaganak. , lalo na ngayong maraming matatanda sa ating papulasyon.

Kailangan na "positive" ang atityud sa buhay. Ngumiti pagpasok sa trabaho, anuman ang lagay ng pasyente. Gusto ng pamilya na meron silang matalino at malakas na nars. Sa panahon ngayon, ang mga manggagamot ay dalidali sa kanilang pagtingin sa mga pasyente. Test ng test, paglabas ng resulta, hindi naman nila matatawagan ang mga pamilya kaya kami na rin ang magbabalita.

Hindi lahat ng tao sa amerika ay kayang magbayad ng gastos sa ospital. Sa isang araw ay mahigit $500 ang singil sa ICU. Unang una ay mahal ang gamot. Hi-tek ang mga gamot na pang ICU. Karamihan ay nasa $300-$500 ang isang botelya. Susunod ay mahal ang mga blood test, mga treatments, at mga suweldo ng mga empleyado. Ang tylenol ay $35, dahil binigay ito ng nars. Ito ang katotohanan. Mahal ang ma-ospital kaya alagaan natin ang ating katawan.

Ilang beses ng na-bankrup ang Los Angeles County kasi maraming mga taong walang medical insurance. Sa dami ng mga nababaril na gang-members at mga inosente nilang biktima ng drive-by-shooting, nauubos ang pera ng County. Hindi lang iyon, merong ding mga teenager na may anak at walang asawa. County rin ang nagbabayad ng gastos nila para sa kanilang mga anak. Ang ibig sabihin ko sa "County" ay mga taxes na binayad ng mga taong may trabaho. Kaming may trabaho ang nagbabayad sa mga walang trabaho. Sa amerika lang pupuwede ang pamamalakad na ito. Sa pinas, meron bang ganitong pamamalakad? Wala. Kung pulubi ka mamatay ka kaagad. Sorry nalang. wala kang datong, wala kang buhay. Next.

Madaya, kami ang nagtratrabaho kami rin ang nagbabayad sa gastos nile. Mga putang inang mga tamad yan. Unang una, walang pinagaralan, hindi marunong magingles, walang alam gawin kundi kumantot. Magaanak wala namang trabaho. Pati auto insurance nila kami parin. Merong "fee" na ang tawag ay uninsured motorist coverage. Mandatory ito. Mga buwakang inang mga tao iyan. Dapat ideporte ang mga walang hiya.


Monday, January 26, 2004

Mga Kaibigan

Mahigit ng walong taon na ang nakakalipas ng lumipat ako ng tirahan sa North Carolina. Binunot ko ang aking sarili sa tradisyon na maging malapit sa aking pamilya. Malaki ang sakit sa aking puso na mapahiwalay sa aking ina na sa panahon na iyon ay nakatira kasama ng aking kapatid na babae. Tuwing makakahanap ako ng trabaho ay kailangan akong lumipat. Ng magkatrabaho ako sa aerospace ay umalis din ako at lumipat sa Palmdale.

Malamig ang panahon ng dumating ako sa Rokingham. Taglamig na at naturan pang pinakamalamig na panahon mula pa ng 1969. Suwerte talaga, historikal pa ang pagdating ko. Doon ko rin nasaksihan ang lakas ng bagyo sa east coast. Hurricane ang tawag nila. Pahiga ang daloy ng ulan at hindi pabagsak. Akala ko nga ay tinangay na ng hangin ang maliit kong kotse. Mabuti't hindi nabagsakan ng puno.

Inayos ng aking pinsan si Dr. G ang aking tinirahan. Ibinili niya ako ng kama at inerenta ng dalawang kuwartong apartment. Napakalaking lugar para sa isang tao. Hindi nagtagal ay lumipat akong muli sa isang bahay na maliit. Doon ay hindi rin ako nagtagal at lumipat akong muli sa Fayettevile para magaral ng critical care narsing.

Marami akong nakilalang mga kaibigan sa Rockingham. Karamihan ay mga nars galing sa Pilipinas. Narekrut sila para magtrabaho sa narsing home. Matinding sakrepisyo din ang dinanas nila. Naglalakad sila sa lamig papasok sa trabaho dahil wala pa silang sasakyan. Kungminsan ay nakikisakay sila sa mga katrabaho nila. Wala silang pamilya at puro estranghero lang ang mga kakilala nila. Kahit ako ay hindi ganito katapang. Pagwalang ibang pagpipilian, wala talgang magagawa, kailangang magsakrepisyo.

Ng matapos ang limang taon at nakuha na nila ang mga green card nila, nagsipagalisan din at nagsipaglipatan sa mas malaking siyudad ng North Carolina. Meron ding ibang nasa California na rin. Karamihan ay maybahay na at yung iba ay may negosyo pa.

Mas matalik ang pagsasama namin sa North Carolina kesa sa ibang lugar na pinaggalingan ko. Siguro dahil parang mga pamilya ka na sila. Nagkikita kami tuwing lingo para maginuman at magihaw ng karne pangpulutan. Simple lang ang buhay pero masmasarap ang tawanan at pagsasamahan. Namimis ko na ang mga kaibigan ko. Balang araw ay bibisitahin ko sila.

Friday, January 23, 2004

Walang Kasayahan

Wala namang masama sa pagiging nars. Hanggang sa ikaw ang nars. Maraming naghahangad na maging nars. Naririnig nila ang malaking kita, magandang oras, at makamudong bagay na maidadala ng propesyon na ito. Pero kung tutuusin pareho lang ito ng ibang propesyon.

Ang mabuting bagay sa narsing ay ang Board Exam. Kung wala nito maraming mamamatay sa mga ospital. Ngayon nga lang ay marami ng pagkamatay dahil sa katangahan ng nars, paano pa kung walang Board Exam. Nasa-break ako isang gabi sa kapiteria. Nagkita kami ng isang kasa ko sa orientation. Nagrereklamo siya sa gawain ng mga RN sa med-surg floor. Meron daw isang pasyente na nakitang naghihingalo sa kanyang kama at maraming dugo sa sahig. Ang nangyari ay nag-break ang nars niya ng mahigit dalawang oras. Tumayo ang pasyente para pumunta sa banyo at binunot ang IV niya. Natural, nagdugo. Hindi ko alam kung anong nasa IV fluids niya pero mahigit kalahati ng dugo niya nasa sahig. Dinala ang pasyente sa ICU at doon namatay. Natatakot itong tao na itong magsumbong dahil piyon lang siya, hindi siya RN. Natatakot siyang mawalan ng trabaho. Hindi magbabago ang gawain sa floor na ito kung walang magsusumbong. Malungkot na pangyayari. Ang masaklap pa, apat lang ang pasyente ng nars na ito. Anak ng tupa, kung hindi ka naman talaga ubod ng katamaran. Kung ako ikukuling ko ang hayop na ito. Murderer.

Sa unit namin meron dingmga tanga. Ewan ko, marami akong katangahang nakikita. Ang problema ay kapaguran at walang pakialam na pagtingin sa buhay. Karamihan sa mga nars ay dalawa ang trabaho. Para mabayaran ang mga utang. Naglalakihan kasi ang mga bahay at nagmamahalan ang mga sasakyan.

Ang isa pang katangahan ay ang mga hindi nars at kung gumastos ay parang nars. Meron akong kilalang sekretarya sa unit ko na bawat isang anak niya ay may kotse. Dalawa rin ang trabaho at araw araw dobol shift ang trinatrabaho. Kawawa. Parang tinamaan ng bagyo kung makikita ko ang tao na ito. Yung mga tipong madaling magkasakit. Kung bakit niya ginagawa ito sa sarili niya ay maaring mahal talaga niya ang mga anak niya. Gusto niyang ibigay ang lahat sa kanila. Oh, siya nga pala, nakabuntis ang binata niya kaya siya narin ang nagaalaga ng apo niya. Bente uno anyos lang naman si binata, disiotso si babae. Sarap ng buhay.

Tuesday, January 20, 2004

Araw ng Pahinga

Natapos din and limang araw na pagtratrabaho. Pahinga ako ngayong gabi. Mabuti at walang tumatawag na ospital. Okey lang, hindi ako sasagot ng telepono. Matagal na rin akong hindi nakapag-blog. Medyo apura ang buhay ng lumipas na lingo. Bukod sa trabaho, nagsimula uli ako sa pag-workout. Mahigit anim na buwan na rin akon nag-wo-workout nakasanayan na.

Pagkatapos ng trabaho ay bumisita ako sa Walmart. Iyon ang hintuan ko pag tapos na ako sa mahabang sunodsunod na pagtratrabaho. Parang “reward” sa sarili ko. Bumili ako ng StarTrek DVD collection at yung bagong labas na CD ni Martina McBride. Sa trak palang ay binuksan ko na ang CD. Merong dalawang paboritong kanta na naririnig ko sa KZLA. Oh ang galing ng boses ni Martina. Kelan kaya ang konsyerto niya at mapanuod.

Ng dumating ako ng bahay ay sinimulan kong panuorin ang StarTrek Generations. Ng halos kalahati na, bagsak na ang mga mata ko. Oras ng matulog. Pagkagising ko ay tinapos ko yung movie. Ang galing talaga. Kaya paborito ko talaga ang StarTrek.

Masarap sa trabaho kagabi. Dalawang super bait na nars ang kasama ko. Buti na lang at hindi ako nag-call-in-sick. Meron kaming pasyente na manggagamot, binili kami ng pizza. Ang bait ni doc. Ang cute pa ng anak niyang babae, bata pa, nagaaral din ng narsing. Ayun, nag aaral ng physiology at may eksam kinabukasan. Kinakausap ko tungkol sa pagaaral niya pag-nasa banyo ang tatay niya. Mabait naman at hindi snob. Gusto niyang magaral sa collehiyong pinasukan ko ng narsing.

Kasama ko si C. Tiga Tarlak siya kaya ang punto ng tagalong niya ay napakatalas. Ang sarap pakinggan ng kanyang mga kuwento. Kababalik lang niya sa Pilipinas. Ayun maraming masasayang kuwento. Sa kanya pala yung bagong Mercedes E320 sa parking lot. Bilib talaga ako kay C. Wala rin siyang asawa pero may syota.

Yung isang nars naman ay si E. Kasama ko siya dati sa ICU. Mabait din siya at pareho kami ng mga gusto at hindi gusto. Talagang tsokaran. Nagkukuwento siya tungkol sa dati naming mga kasama sa trabaho. Hay, hindi ko na-mimis ang dati kong ospital. Maraming politika at intriga. Puro pilipino pa kaming lahat. Away-away. Tsismisan. Inggitan. Kaya siguro madalang ang asenso natin. Ah ewan.

Dalawang Pilipino din and pasyente ko. Wala namang problema, puro-monitoring lang at tipikal na pag-aalaga. Nagkaroon ng krisis sa med-surg. Nag-code ang isang pasyente. Hindi naming siya nasaklolo. Sana’y nasa mapayapa na siya. Inalagaan ko siya sa ICU ng nakaraang lingo. Isa siya sa maraming tao na natalo sa kamay ng kanser.




Tuesday, January 13, 2004

Tabing dagat

Napagisipan kong pumunta sa tabing dagat sa araw ng aking kaarawan. Sa wakas at dumating na rin ang araw na ito at ngayon ay patapos na. May kalayuan ang tabing dagat ng Santa Monica. Nasa looban ako ng kalupaan ng Los Angeles. Nahigit 60 milya ng pagmamaneho.

Pagdating ko doon, medyo mainit na and araw pero malamig parin ang hangin. Naglakadlakad ako sa tabing dagat. Kumuha ako ng mga litrato. Bilib talaga ako sa Kodak Kamera. Maliwanag at klaro ang mga litrato ko. Hindi ko na siguro isasauli ito. Madaling gamitin at gusto ko talaga ang resulta ng potograpia ko. Ginamit ko ang advance digital zoom ng kamera ko. Magaling ang resulta. hindi mukhang digital zoom. Ang layo na ng mga tao at maganda parin ang labas.

Ang hangin ay malansa, amoy dagat. Hindi ito sariwa. Anuman ang sabihin ng iba. Malansa. Naaalala ko ang mga balita tungkol sa mga basurang bumabagsak dito sa dagat mula sa siyudad. Maypagkadumi talaga ang tubig, maitim at masukal.

Naaalala ko ng panahon na pumupunta kami ni mommy dito sa Sta. Monica. Maglalakad kami sa tabi ng dagat at kung minsan mauupo lang sa buhangin. Ah, na-mimis ko na si ma. Napanaginipan ko pa siya, siguro bumabati lang ng hapi birtday. Hindi talaga nalalayo ang mga magulang ko kahit matagal na silang sumayon.

Sa init ng panahon meron pang isang babaeng tumatakbo na naka-string bikini. Sikat, malakas ang bilib niya sa sarili niya. Maganda naman talaga ang katawan, ewan nga lang ang mukha. Malayo kasi ako.

Maraming mga seksing babae, siyempre, muscle beach ata ito. Nang magsawa na ako, bumatsi na ako. Ang susunod na hinto, Beverly Plaza. Magshoping tayo.

Sa Beverly Plaza, bumili ako ng New Balance na sapatos. 10 1/2 2E wide. Ang sarap isuot. Sale ang bastos kaya dalawa ang binili ko. $45 lang ang isa. Mamamatay sapatos ang mga paa ko. Eka nga ni utol Ar, anim na buwan lang tumatagal sa kanya ang sapatos niya. Kaya kayang-kaya ni NIKE na bayaran ang mga itim na basketbolista.

Naghapunan din ako ng Japanese turo-turo. Mura lang, pangbusog. Nagmeryenda ako ng hotdog on a stik at lemonada. Masarap dahil mainit ang panahon sa tabing dagat. Sa pauwi, inabot ng isa't kalahating oras ang pagmamanaho. Matrapik.

Okey and sulat na natanggap ko ngayon. Playboy para lang $1 ang isang kopya. Sale ang walang hiya, walang na kasing bumabasa at talo sila ng Barely Legal, at mga teen porn magazine. Ayon ito sa report na ginawa ng stanpord unibersity prom the departamento ng pornograpiya. LOL Malilibog ang mga propesor sa Stanpord, marami kasing pera. Walang mapagkagastahan, hayan pati porn pinagaaralan. (Loko lang ito, wala talagang Stanpord) Kathang isip ko lang iyon.

Ito ang pinakamasayang b'day ko. Nang lumipas na mga taon, trabaho ako ng trabaho, walang oras sa sarili ko. Masmaluwag na ang buhay ngayon. Salamat sa Diyos.

Monday, January 12, 2004

Aduas

Mahigit dalawang pu't dalawang taon na ako dito sa Amerika. Amerikan sitisen na rin ako. Noong nagaaral ako ng nersing meron akong kaibigan na kamaganak ko pala. Nagkita kami sa LACC. Isang kolehiyo sa Los Angeles. Ang gawi ng kanyang pananalita ay katono ng mga kamaganak ko sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Si M ay napakabait na tao. Biyaya sa akin yan ng Diyos, na magkaroon ng mga mababait na kaibigan. Sa pagkukuwentuhan namin, kilala niya pala ang mga lola at lolo ko. Natatandaan din niya ang mga paglalaro naming magkakapatid sa harap ng bahay nila.

Tuwing taginit sa Pilipinas, dinadala kami ng aming magulang sa probinsya. Ang naaalala ko ay malaking biyahe ito. Unang una ay mabagal ang takbo ng sasakyan namin at ma-trapik sa daan papunta sa probinsya. Maaga kaming umaalis ng bahay, kung minsan madilim pa ay lumalakad na kami. Meron ding araw na hapon na ang alis namin, depende sa panahon at paghahandang kailangan sa biyahe. Ang malaking usapan at awayan ay kung sino ang uupo sa tabi ng kotse na walang araw. Ang madalas panalo ay si kapatid na babae na si Ti. Di ba sabi ko na nga na may pagka-kontra-bida si ate. Walang lakaran na nasa araw siya. Malaking awayan ito at hindi pa umaalis ay nakaupo na siya sa loob ng kotse, unahan sa upuan. Anak ng tokwa. Nakapuwesto na siya sa loob ng kotse bago pa mapuno ng bagahe ito.

Masikip ang lakaran kasi kasama rin namin ang yaya namin. Anim kami sa isang Ford Taunus. Matataba pa kaming lahat. Buti naman at hindi kami nasisiraan o napaplatan. Pagtatawanan kami ng mga tao pag-nasiraan kami. Nakakahiya, parang side show

Ang kalye ay isa pang issue. Maganda ang kalye sa Metro Manila. Pagdating ng probinsya, siguradong sira na. Pagbumabagyo, baha ang mga kalye sa probinsya at parte ng Metro Manila. Natutunaw ang kalye pagnakalublog sa tubig. Alam mo na, tubig at aspalto ay hindi matalik na magkaibigan. Puro butas ang kalyeng pangprobinsiya. Walang erkon and kotse namin, bintilador lang. Pagmaalikbok ang daan ay isasara namin ang mga bintana. Napakainit sa loob, lalo na kung taginit. Sa Desyembre, mas malamig ang hangin. Pero, bihirang mangyari ang lakaran sa Disyembre.

Dalawang oras ang biyahe namin kaya kadalasan, ang hintuan namin ay sa Baliwag. Doon kami bumibili ng miryenda. Pepsi at mamon. Meron ding hintuan na tindahan sa tabi ng kalye, doon merong nilagang mais at kung anu-anong prutas. Yan ang highlight ng biyahe. Pag nasa Sta. Rosa na kami, malapit na ang Aduas. Meron kaming mga landmark na ginagamit. Kadalasan, mga bahay na malalaki. Marami ring mayaman na tao sa probinsya.

Pagdating sa bahay ni Papa at Lola, masaya na kami. Siguradong pati si dad at ma ay masaya din. Hindi na nila kailangang marinig ang ingay naming magkakapatid. Ang yaya namin ay walang angal, pero siguradong pagod din siya sa biyahe. Malamig sa bahay kahit walang erkon. Malaki ang bahay sa Aduas. Apat na malalaking kuwarto, malaking kusina, at katamtamang laking kuwartong kainan.

Magluluto si Lola at si yaya. Kung minsan si ma o si dad ang tumutulong. Pag handa na sisigaw si Papa, "Come and get it". Takbuhan na. Hindi puwedeng kumain kung hindi pa naghuhugas ng kamay. Hugas muna.

Pag tulugan na, nasa loob kami ng kulambo. Kung hindi magiging pasas ka kasi puputaktihin ka nang lamok. Meron din kaming Katol. Gas chamber ang walang hiya. Siguro kaya kami ganito, dahil na-gas kami ng maliliit pa. LOL

Maraming nangyari sa probinsya. Mahabang kuwento, siguro unti-unti kong ikukuwento, Okey?

Buhay may asawa

Ang aking matalik na kaibigan ay bumisita para sa aking kaarawan. Kumain kami sa kainang pilipino. Umorder ako ng dinuguan at kare-kare. Ang problema sa kare-kare ay puro lamangloob ang sanggap. Walang buntot ng madkaw(LOL). Sa kamahalan ng buntot walang naglalagay nito sa lutong kare-kare. Ako nalang ang nagluluto ng tunay na kare-kare. Sa pagkalat ng madkaw, hindi muna ako bibili nito.

Dala ni J ang kanyang beybe. Napakakyut niya. Ang dami kong litratong kinunan. Siyempre didyital. Sa presyo ng kamera na ito kailangang gamitin. Maganda naman ang mga resulta. Magaling kasi akong kumuha ng litrato (yabang). Hindi mareklamo si baby J. Hindi rin maingay. Mapagkaibigan pa. Sumama sa akin. Inakap pa ako. Napaka-masayang bata. Napaka-chubby ng kanyang pisngi, parang siopao.

Si J ay napakabait na tao. Sa lahat na nakilala ko, siya lang ang tunay na kaibigan. Ang situwasyon niya ngayon sa kanyang pamilya ay malayo sa perpekto. Maraming problema sa kung sino ang magaalaga ng bebi nila, problema sa kung paano siya magtratrabaho, etsetera, etsetera. Ibig ko siyang payuhan pero mukhang napagusapan na nilang dalawa ang mga payo ko. Ayaw magbigay ni babae. Parang lumalabas ay si J nalang ang magkakarga ng bigat ng pagbuhay ng kanilang pamilya. Ayaw tumulong ng babae. Sabi ni J sa kanya kahit hindi na siya magtrabaho, ayaw naman at hindi raw niya kayang nasa bahay magaraw. Buwakaw talaga. Kilala ko itong misis niya at may pagka-mahirap kausap talaga. Sabi ni J "nauunawaan ko kung bakit wala ka pang asawa."

Sa akin, ang pagaasawa ay hindi 50-50. Ito ay 60-40. Kailangang merong magbigay para may patutungguhan. Ang 50-50 ay parang "draw" walang panalo kaya walang patutungguhan. Hindi ito siyensang raketa (rocket science). Simple lang, di ba. Ang problema ay kung hindi magbigay ang isa. Yuuuun, bagsak ang institusyon ng pag-aasawa. Lahat ng pilosopiya ay burado, isoli na ang singsing, ibenta ang bahay, diborsyo.

Ang malungkot na katotohanan ay ang situwasyon na ang isang kabiyak ay parang pabigat sa asenso ng pamilya. Maraming ners along kilala na hindi nagtratrabaho ang mga asawa nilang lalaki. Maswerte ang mga walang hiya. Tangga ang mga babae. Bakit kanyo? Anong matalinong babae ang hahayaan ang tamad na lalaki sa bahay lang. Baka may kabit pa ang walang hiya. Nakikita ko sa Santa Monica ang mga pinoy na lalaki, at mga tambay lang. Dinala sa Amerika ang katamaran sa Pilipinas. Mga walang modo. Kuwentuhan lang ang ginagawa nila.

Meron akong ilang buwang walang trabaho ng ma-lay-off ako sa trabaho. Hindi ako mapalagay. Nakakahiya kay mommy at kay Ti na nakikitira at nakikilamon ako sa kanila. Sinubukan ko ang lahat. Nagbenta ng "insurance", kotse, at kung anu-ano pa. Wala akong mabenta. Wala akong respeto sa sarili ko. Kaya ako nag-aral ng narsing. Eto, maganda na ang buhay. Paano natitiis ng mga lalaki na ito ang kanilang kalagayan? Magtanim sila ng patatas, o magmaneho ng bus, mangulekta ng basura, magkarpentero, maraming trabaho dyan. Bakit, vise-presidente ba ang gusto nilang trabaho? Gusto siguro mga trabahong amo. HInid uso dito yan, simula ka sa baba at balang araw amo ka na. Ganoon ang Amerika.

Meron akong tiyo na nagmaneho ng bus, dentista siya sa Pilipinas. Matindi ang respeto ko sa kanya. Mabait siya at matulunggin. Hindi siya nahihiyang magmaneho ng bus. Malaki ang kinita niya at retayrd na siya. Pa-banjing-banjing na lang siya ngayon ng tiya ko. Naka-mercedes at BMW din sila. Hindi masama.

Kaya kayong mga nars na may asawang walang trabaho at malakas ang tuhod at tumitigas pa ang kanyang tarugo, GUMISING KAYO! Niloloko lang kayo ng inyong darling. MGA TANGA!!!! GISING

Sunday, January 11, 2004

Pagsasalo

Pagkatapos ng labing dalawang oras na trabaho, nagpahinga ako para bumisita sa aking babaeng kapatid. Ilalabas nila ako para sa aking kaarawan. Sayang at wala si kapatid Ar, at kaarawan niya bukas. Maligayang kaarawan kapatid Ar. Alam kong binabasa mo ito.

Nagpunta kami sa kainang Peruvian. Masarap ang luto dito. Nagorder ako ng bipstek, madkaw!disis hahaha. Manok ang inorder nila utol. Pagkakain, naglakad kami ng aking pamangkin sa loob ng kainan. Buti nalang at walang maraming tao. Natutuwang makita ng ibang kumakain ang aking kiyut na pamangkin. Nagdesert kami sa bahay nila. Sarap ang taro cake. Meron ding regalo si utol na isang kahong barquillos. Sarap talaga, pero patay ako bukas. Magiging isang salop ng asukal ang aking buong katawan. DIABETES! Bakit hindi niya ako niregaluhan ng insulin? Puro asukal ang binigay sa aking kakainin. LOL

Habang nagmamaneho ako papunta kanila Ti, naisip ko ang blog ni utol Ar. Kumpara sa kanyang lugar, ang lugar ng blog ko ay parang "Ralphs plain wrap". hahaha Kailangang pagbutihan ko ang disenyo ng aking lugar.

Maraming tinanim na punong namumunga ang aking bayaw. Mahilig siyang magtanim ng kung-ano-anong halaman. Garantisado ang mga halaman sa lokal na tindahan. Ang tindahan na ito ay OSH (Orchard Supply Hardware). Kapatid tindahan ito ng Sears, ang tindahan na garantisado ang mga gamit pangkonstraksyon. Habang buhay na garantisado ang mga halaman sa OSH. Doon din ako bumibili ng halaman. Sa ngayon narangha lang ang tanim ko. Sana'y mabuhay ito. Magtatanim din ako ng ibang halaman ng namumunga. Balang araw ay hindi na ako bibili ng prutas.

Ang ayaw ko sa pagtatanim ay ang paghuhukay. Wala akong mahusay na gamit. Magara ang panghukay ni bayaw at maganda ang lupa sa kanilang bahay. Mabato ang lupa sa bahay ko. Isang oras bago ako makahukay ng isang butas. Masakit na ang mga kamay ko wala pang isang pulgada ang hukay. Para sa aso ang paghuhukay, hindi para sa akin. Minsan ay gumawa ako ng lakaran sa gilid ng bahay. Inabot ng tatlong buwan at walang katapusang sakit ng likod ang inabot ko. Maganda naman ng matapos. Ngayon ay meron nang damong tumutubo. Kailangang mawisikan ng pangpatay damo. Ang lakaran na ito ay bihirang nalalakaran. Ginawa ko lang, kasi nagpapaganda ng bahay.

Maykayabanggan

Tuwing makikita ko and blog ng utol kong si Ar ay lalong nagiging komplex ang lugar niya sa blog. Nagpapasikat ng kanyang abilidad sa pagtayo ng lugar niya. Ako naman ay masaya ng merong "counter" ng mga bumibisita sa lugar ko. Malaking hakbang ito sa pagunlad ng aking lugar sa blog. Hindi ko nga alam kung paano ko ilalagay ang "skin". Okey lang. Balang araw ay mapagaaralan kong idagdag iyon.

Malaki ang gastos ko sa nabali kong ngipin. Mahigit $400 ang hindi makukubra sa "insurance". Kaya eto, nagdagdag ako ng isang trabaho tuwing linggo para mabayaran ko ang aking utang sa dentista. Okey naman ang ospital na "per diem" ako. Walang masyadong stress, mababa nga lang ang sueldo. Masayahin ang mga kasama ko doon, hindi buwisit. Siempre kahit saan ako pumunta merong kontra bida pero dito pang umaga ang buwakaw. Siguro ramdam niyang mas magaling siya sa akin kaya minsan ay sinagasaan niya ang damdamin ko. Hindi ako umuurong sa mga buwakaw na tao kaya pinison ko rin ang damdamin niya. Nangatog ang kanyang tuhod ng matapos ko siyang sindakin. Akala niya siguro kaya niya ako. Nagsumbong pa sa katsokaran ko. Ang sabi sa kanya "Oh, di tinamaan ka rin. Tiga open -heart yan doon sa ospital namin, magiingat ka" Nakakatawa ang mga pangyayari, akala niya ay kakampi sa kaya ang tsokaran ko, et buwisit din yun sa kanya. Bruha talaga. Kakainis.

Yung isa naming pasyente medyo may kabastusan. Nagpapajakol sa isa naming nars. Bubuhusan sana niya ng malamig na tubig. Nubenta anyos na si tatang malibog pa. Bastos. Kung puwede ko lang itulak sa bangin. hahaha. Bihira ang kabastusan na ganito. Siguro naguguluhan lang si tatang. Ayun, binigyan ng pangpatulog, bagsak.

Nagdala ng maraming pagkain ang mga kasama ko. Ako lang ang walang dala. Mero pang nagluto ng bagoong ang baho ng lintek. Nakakasuka. Hindi na ako sanay sa baho ng bagoong na ito. Gusto ko ang bagoong ng kare-kare. Eto yung brown at amoy kanal. Kadiri. Merong Indonesian na pagkain. Hindi masarap pero meron ding pizza, kaya iyon ang inupakan ko.

Kaarawan ko sa Martes at si utol Ar sa Lunes. Hindi ako nakapunta sa norte ng Kalipornia para makipag kaarawan kay utol Ar dahil buwisit ang ospital ko. Gusto nila akong pagtrabahuin. Kung hindi, tanggal ako sa eskedyul. Hayupak, sabi ko kay utol sa susunod nalang na buwan. Bukas ay pupunta ako kay utol Ti. Siguro ililibre ako ng hapunan. Yippe, libreng tsibog. hehehe Makikita ko rin ang paborito kong pamangkin. Dobol sarap.

Saturday, January 10, 2004

Kaarawan

Eto nanaman ang araw na nagpapatanda. Kaarawan. Tatlungpo at walong beses na akong umikot sa araw. Hayan, mukhang araw na ako. hahaha Walang kahulugan kung ilang taon na ako. Ang buhay ko ay base sa mga kontribusyon ko sa aking sarili at sa ibang tao na mahalaga sa akin.

Narating ko na ba ang aking patutungguhan? Ng matapos ako ng pagaaral ng enhinyero, plano ko na mayron na akong pamilya, bahay, anak at kung anu-ano pa sa limang taon. Hindi ito nangyari. Medyo masama ang lood ko at hindi ko narating ang mga plano na ito. Wala na akong magagawa, ang panahon ay dumaloy na parang tubig sa aking mga kamay. Kailangan kong i-reimbento ang aking sarili. Sayang ang ipinundar ko sa pagiging-enhinyero, pero patay na ang karerang ito.

Sa payo ng magulang ko at kapatid Ti, nagaral ako ng pagiging-nars. Magwawalong taon na akong nars. Okey naman, pero hanggang ngayon ay hindi ko na binigyan ng plano ang aking buhay. Siguro kailangan kong pagisipan ang aking hinaharap. Magaasawa pa ba ako? mga anak? mga plano sa negosyo? Ang aking pilosopiya sa buhay ay ako ay isang manglalakbay. Lamalakad ako sa kalye ng buhay. Pag may tinidor sa kalye kailangang gumawa ako ng desisyon. Kaliwa, kanan, deretsyo, saan ako pupunta? Saan ako dadalhin ng aking desisyon sa buhay.

Maraming tao ang pilit na bumabalik sa kanilang pinanggalingan. Paulit-ulit na sinasagasaan ang kalyeng dati ng pinuntahan. Para muling magunita ang nakaraan? Para bigyan ng pagkakataon ang mga taon winalang hiya sila? Para magulpi uli o masaktan uli ng mga tao na akala nila ay magmamahal sa kanila? Mga sirang ulo.

Sa kalye ng buhay ay meron akong nasasagasaang mga mababait at mga walang hiyang tao. Nagiging kaibigan ko ang mga mababait at kalaban ko ang mga walang hiya. Marami ring dyamente akong napupulot sa aking paglalakbay. Mga kaisipang pangpalago ng buhay. Sana balang araw ay aking maibigay ang mga dyamenteng ito sa mga pamangkin o anak ko, para sila naman ang makinabang.

Hindi ako bumabalik sa mga situwasyon na alam kong masasaktan lang ako. Maraming tao ang mahilig dito. Susubukan nila hanggang magwagi sila. Kadalasan pagkatalo lang ang kanilang hinaharap.

Ang pagibig ay isa sa mga bagay na hindi ako matagumpay. Siguro meron akong personalidad na hindi sangayon sa mga personalidad ng mga babaeng aking nakikilala at nagugustuhan. Mabuti nalang at wala akong tiyaga na mangligaw na matindihan. Baka pulubi na ako. Magastos ang maglabas ng babae, buti sana kung KKB (kanyakanyang bayad). Kung ayaw nila di huwag. Hindi ito pilitan. Meron din namang mga babae na gusto lang ng libreng hapunan. Okey lang, gutom ang aabutin mo sa akin sa susunod na lumabas tayo. hahaha

Malumanay at masaya naman akong nagiisa. Marami akong proyekto. Sa dami hindi ko alam kung ano ang uunahin. Hindi sarado ang isip ko. Madalas akong may ginagawa pag hindi ako nagtratrabaho. Internet, potograpiya, at pagsulat ng blog. Oh, tatlo lang pala ang panglipas oras ko. Ipapaliwanag ko. Sa potograpiya lang merong mahigit sampong iba't-ibang gawain. Pagkuha ng litrato ng tao-portratista, kasalan, dyornalismo, "nature", "closeup/micro", "black and white", "travel", "sports", pag-printa ng litrato sa "dark room". Hindi mo magagawa lahat na ito sa isang araw. Ang pag-printa ng litrato ay inaabot na ng mahigit lima hanggang walong oras. Walang biro. Nakakapagod, nakakagutom, at nakakahilo. "Art" ito, hindi basta basta lang.

Thursday, January 08, 2004

Naguguluhan

Sa walong taon kong pagiging tigapagalaga ng maysakit, meron akong bagong karanasan. Mahigit sampong ospital na ang aking napagtrabahuhan. Karamihan sa mga ospital na ito ay hindi para sa akin, kaya itinigil ko na ang aking pagempleyo sa kanila. Bakit ko pipilitin ang aking sarili kung hindi ko gusto sa kanilang pamamalakad ng kanilang lugar ng trabaho?

Napansin kong medyo malakas ang kabig ng mga pamilya sa ospital na aking pinagtratrabahuhan. Mag-aapat na buwan palang ako dito sa ospital na ito. Siyempre, sa simula, puro lang mga magagandang bagay ang aking nakikita. Madali ang trabaho, magaan ang reposibilidad, malapit sa bahay, bata at maganda ang ibang ners, at mababait ang ibang tao. Galing ako sa isang ospital na napakamagulo, maraming pasyente at serbisyo para sa may sakit. Malaking ospital dito sa siyudad ng mga anghel.

Malayo ang aking nilalakbay para matuntun ang aking lugar ng trabaho. Naisip-isip ko na kailangan kong maghanap ng bagong ospital na malapit sa bahay. Sawa na rin akong magtrabaho na parang kalabaw. Randam kong trabahong magsasaka ang aking ginagawa. Ners ako hindi magsasaka. Madalas nalang na mabigat ang pinapasan kong responsibilidad. Kulang sa ners, kaya dagdag na trabaho ang ibibigay sa akin.

Pag nasa critical care ang trabaho mo, medyo matindi ang stress. Wala pa kaming suporta sa mga amo namin. Kung merong mali, kasalanan ng mga ners. Merong pangyayari na mataas ang impeksyon sa mga pasyente namin. Alam mo ba kung ano ang sabi ng mga duktor? Yun' daw mga ners ay kumakain sa nursing station kaya naiimpeksyon ang mga pasyente. Nakakatuwang relasyon sa impeksyon at kagkain. Hindi ako naniniwala sa bagay na ito. Pauso lang nga mga maggagamot namin kasi hindi nila alam kung saan nanggagaling ang impeksyon. Mga komiko, seruhiyano ng puso pa ang mga ito. Hindi namin sinusunod ang payo nila. Kain parin kami ng kain sa nursing station. Minsan ang puta kong charge nurse, na pinay pa, ay sinasabihan ako na huwag uminom ng kape sa station. Alam mo ang sabi ka sa kanya? "Pag ako ay namatay sa pagmamaneho pauwi dahil antok na antok na ako, ikaw ang maykasalanan." Itinapon ka ang nalalabing kape sa aking tasa at ako ay ulamis sa kanyang pagmumukha. PUTANG babae. Malapit lang kasi ang kanyang bahay, eh karamihan sa amin ay mahigit kalahating oras na pagmamaneho ang ginagawa para makauwi. Wala siyang pakilam sa amin. Ang masakit pa ay kapwa pinoy siya. ANg nakakatawa, hindi nagtagal ay pati siya umiinam na rin ng kape. hahaha hipokreta!

Lumipas ang mahigit limang taon sa ospital na ito, handa na ako sa pagbabago. Walang masama sa paghahanap ng trabaho na iyong magugustuhan. Maniwala ka, matagal na akong naghahanap ng magandang lugar. Panaginip lang siguro it. Hanap lang ng hanap, sa awa ng Diyos...

Mabalik sa malakas na kabig ng pamilya sa ospital. Napagusapan namin ng aking kaibigan na ang pamilya ang nagpapalakad ng ospital, sumangayon siya. Ito nga raw ang isa sa mga problema ng ospital na ito. Bukas ang ospital namin magdamag. Labas pasok ang tao at ang mga sekyo (security) ay hindi mo mahahanap. Ganoon daw ang pamamalakad nila. Kung ako ang tatanungin hindi ako panatag sa aking sarili. Madalas kong naiisip na merong manyak na papatay sa amin kahit kelan nila gusto. Marami raw kamera, anong pakialam ko kung isang milyong kamera pa. Kung wala namang nanunuod sa mga kamera, wala ring silbi ito.

Ang problema ay hinahayaan naming matulog sa kuwarto ang pamilya. Kagabi meron pang nagsabi sa akin na dapat daw akong maging maunawain kasi ners ako. Buwakang inang puta! Walong taon na aking ners at sasabihan mo ako nito? Walang utang na loob. Anong alam niya sa pagiging ners? WALA! Tanggang puta. Kung wala akong pakialam sa may sakit hindi ako papasok, magtatanim nalang ako ng kamote sa bahay. Istupida! Bakit ko pahihirapan ang aking sarili? Hindi ako pumasok para bastusin lang ng isang istupida.

Ng matapos ang aking shift, nakabangga ko ang isang superbisor. Meron daw problema ang isang pamilya na inalagaan ko. Isipisip ko, mga putang ina. Ano na naman? Iyun daw pagsasalita ko ay masagwa. Uli kong pinaliwanag sa superbisor ang pangyayari. Dinagdag ko ang reklamo ko sa pagtulog ng mga pamilya sa kuwarto. Ganoon daw talaga. Bagong gawi sa pagaalaga ng may sakit. Dapat daw yung pagsasalita ko ay parang humahalik sa mabahong puwit ng mga abusadong pamilya. OO kako. Tapos huwag daw akong mag-call-in sick dahil dito. Buwakang inang superbisor. Akala mo alam lahat. PUTA.

Hindi nakakapagtaka. Walang kabig ang ners sa ospital na ito. Para kaming hotel. Hindi hotel ang ospital. Hindi nagbabakasyon ang pasyente, meron silang sakit at kailangan silang alagaan. Sa hotel, bakasyunista ang tao, kailangan nilang magrelaks. Isa pa sa hotel nagtitip ang tao, sa ospital, baka wala pang insyurans ang mga buwisit.

Pag-walang kabig ang ners walang bisa ang pagaalaga namin. Pag-nagwawala ang pasyente, kailangang maging matigas at panatag ang kinatatayuan mo. Kailangang matibay ang hawak mo sa pangyayari. Kung merong pamilyang lumalaban sa iyong kantatayuan, walang bisa ang impluwensa. Talo ka at ang nagwawalang pasyente ang hahawak ng pangyayari. Hindi siya gagaling, walang progreso.

Meron kaming pasyente na mahilig uminom. Kaya ng hindi siya makalaklak ng alkohol, nagwawala. Hindi rin siya tinatablan ng morphine. Inabuso kasi ang Vicodin ng dalawang taon. Sigaw ng sigaw. Nagmumura. Walang modo. Pinagbintangan pati ang isang ners na dinuran daw ang kanyang tasa ng tubig. Kung anu-anong bintang ang ginawa niya. Ng nilipat na siya sa isang seksyon ng ospital, nagrereklamo rin ang ners niya doon. Buwakang ina talaga. Wala na bang matinong pasyente sa mundo?

Paulit ulit ang panyayaring ito sa ospital namin. Mareklamo ang pamily, abusado at kinakalaban ang mga ners. Labag ito sa aking prensipyo. Siguro hindi ako tatagal dito. Oras na muling maghanap ng ibang trabaho.

Noong huling Oktubre, merong duktor na binaril ng pasyente. Ang masama ay nakawala ang pasyente na ito at tinulungan daw ng isang ners. DIYOS KO! Ners nanaman ang may kasalanan! Ners nanaman ang sinisisi sa pagkawala ng mamamatay tao. Wala kaming panalo. Biktima ng biktima.

Siya nga pala, bilog ang buwan kagabi. (sa kabilugan ng buwan, nagwawala ang mga pasyente) Balik ulin sa trabaho ngayong gabi. Sa awa ng Diyos...

Tuesday, January 06, 2004

World Trade Center Memorial

Lumabas na ang husga sa WTC Memorial. Hindi lahat ay masaya dahil "minimalist" daw ang desenyo at hindi ipinapahayag ang pagdurusa at kawalang hiyaan na nangyari sa Bagong York. Sangayon ako sa pagiisip na ito. Tingnan niyo ang desenyo. Dalawang kudradong hukay ng kungkreto na puno ng tubig. Paliguan ng ibon ito, napakalaking paliguan ng ibon. Insulto ito sa tao ng Bagong York. Kung ito ang desenyo, punuin ng gasolina ang hukay at sidihan. Para madama natin ang init ng apoy na nagbagsak sa WTC. Nang hindi natin makalimutan ang hapdi at sakit na dinanas ng mga biktima at ng mga pamilya nila. Kabastusan ang desenyo na ito. Hindi pa ako handang magpatawad sa kasuklaman ng mga hayop na ekstremistang muslim.

Ang tamang memorial ay ang litrato ng sumasabog na atomic bomb na ibinagsak natin sa lugar na pinagtataguan ni Binladin at i-blo-up ang litrato para ipakita sa mundo ang matinding pag-ganti natin sa mga demonyong muslim. "Reflection Pool", putang ina, "Pool of Fire" and gusto ko. Hindi kailangang makalimutan ang 9/11/01. Nasira ang bakasyon ko dahil sa lintik na yan. Bwakang ina.

Mga Katrabaho.

Nakausap ko kagabi ang aking kaibigan na si Juana. Kaibigan din siya ng aking ina. Matalik ko siyang kaibigan at matalik na kalaban sa potbol na pang-kolehiyo. Tiga UCLA siya at ako ay tiga USC. Mag-labing-limang taon nanaming sinusubaybayan ang aming mga pangkat. Nakakatuwa gahil merong limang taon USC ang magaling, tapos UCLA naman ang tatlo sa USC. Naging tradisyon na namin ito.

Napagusapan namin kagabi ang mga uri ng katrabaho. Merong mabait at merong masama. Kahit saan ka pumunta, merong kontra bida. Ang napansin ni Juana ay meron ding mga tao na gumagawa ng gulo kahit ikaw ay isang mabait na tao. Papolar si Juana sa trabaho dahil siya ay masayahin at mapagbigay. Hindi siya tsismosa at walang masamang sinasabi sa kapwa niya tao. Hindi si humuhusga sa kapwa niya haggang hindi niya alam ang tunay na istorya ng mga pangyayari.

Maraming tao na hindi masaya sa buhay. Dahil ito sa inggit, pagod, situwasyon na walang pakawala, at kung anu-ano pang rason. Ang listahan ay mahaba. Kadalasan ang mga tao ay inggit dahil wala silang maibigay sa kapwa nilang tao. Wala kang maibibigay kung wala kang ibibigay. Simple pero kompleks na situwasyon.

Merong tao na galit sa mababait na tao dahil hindi nila makuhang maging mabait. Malupit ang mga taong ito. Malalim ang problema at malalim ang galit sa kapwa tao. Nararamdaman nila na biktima sila ng situwasyon, walang nagmamahal sa kanila at walang may pakialam. Kung bubukasan lamang nila ang kanilang puso, makikita nila na merong nagmamahal sa kanila. Kailangang buksan ang isip at puso.

Medyo siryoso ang usapan namin kagabi at naintindihan ni Juana ang naging karanasan ko sa dati kong lugar na trabaho. Marami akong kapwa Pilipino na nagtrato sa akin ng masama. Lumaban ako, hindi porket matanda sila ay hahayaan kong maapi. Matapos ang protesta ko, naging mahusay ang pagtrato nila sa akin. Sindakan lang pala. Pero sira na ang pangalan nila sa akin. Naging kaibigan ko ang mga mahusay na tao at hindi ko pinapansin ang mga walang hiya. Ang nakakainis ay mga lola na ang mga ito, siguro inggit lang o menopause. Hindi ko alam ang rason pero wala akong pakialam sa kanila, problema nila iyon.

Balik trabaho uli mamayang gabi. Tatlong sunod na gabi ito. Meron pa akong bisita sa dentista, nabubulok na ang mga ngipin ko. Pustiso na? hindi naman, pasta lang at "crown". Oras nang gamitin ang "benefits" sa trabaho.


Monday, January 05, 2004

Trabaho trabaho trabaho

Walang tigil ang pagtawag ng mga ospital. Gusto nila akong mag-eskedyul ng trabaho sa kanila. Matindi pa ang hang-over ko sa bagong taong pagsasalo. Hang-over sa kasayahan, hindi sa kalasingan. Isang lingo pa at balik buhay uli ako. Siguro sasabihin ko na masakit ang likod ko. Totoo naman.

Gumuguhit and sakit sa aking kaliwang hita mula sa aking likod. Ito ang nakuha ko sa pagaalaga ng may sakit. Hila dito, tulak dyan. Takbo at lakad. Abuso sa aking katawan ang trabaho ng ners. Panggabi pa ako. Kaya baliktad ang cercadian rhythm ko kumpara sa ibang tao. Mabuti at nakakatulog ako ng mabuti, kung hindi mesirable ang eksistensiya ko. Nersing ang bumubuhay sa akin ngayon. Walang reklamo, merong trabaho. Sana balang araw ay matutunan kong magpatakbo ng negosyo sa potograpiya.

Potograpiya ang mahal ko sa buhay. Hindi ito tao, pangpalipas oras ng mayaman kahit hindi ako mayaman. Sa aking puso at isip, ito ang nagpapaligaya sa akin. Ang paborito kong "subject" ay ang aking pamangking babae. Napakaganda niya. Halong puti at Pilipino. Ang masaya niyang mukha ay pang-paalis pagod pag masama ang aking gabi sa trabaho. Hindi ko siya anak pero para na rin. Bigay siya sa aking ng Diyos para merong balanse ang buhay ko. Puno ng litrato niya ang isang pader ng aking bahay. Mga digital ang mga litrato niya at merong ding black and white na ginawa ko sa aking "dark room". Kahit anong "media" maganda siya.

Matino ang gabi ko sa ospital. Maraming ners kaya medyo magaan ang trabaho. Nakapagpahinga pa nga ako. Binasa ko ang mga pahayagan ko sa potograpiya. Halos lahat ng binabasa ko ngayon ay potograpiya. Obsesyon na walang lumbay. Mahusay din ang mga pumalit sa akin na ners kaninang umaga kaya madali lang ang pagbigay ng report. Kung minsan buwisit ang ners na kapalit ko kaya nasisira tuloy ang umaga ko. Gusto nilang gawain ko lahat. Puwede ba yun? Kaya ka nga pumasok para ituloy ang trabaho ko. Tanga talaga, paano siya pumasa ng board exam?? Siguro gusto nalang magpahinga. Tapos huli pang dumating, magrereklamo pa at hindi maganda ang ibinigay na pasyente sa kaniya. Anak ng tiyanak, huli ka nang dumating, pasensiya ka. Pinagpiliin na ang nadatnan mo. Istupida. Reklamo ng reklamo. Parang bibi, beee-bek-bek-bek-bek, beee-bek-bek-bek-bek. Wala akong pakialam, uuwi na ako.

Nagkita rin kami ng mga ibang ners sa intensive care. Maganda silang kasama, walang buwisit. Masisipag at matatalino. Masarap silang katrabaho. Mabilis ang gabi pagkatsokaran ko ang mga katrabaho ko. Nakakabanas kung tamad at buwakaw ang katrabaho ko. Kahit saan ako pumuntay merong kontra bida. Buwisit talaga. Mabait naman akong tao pero pagimpakto/a ang nakabangga ko giyera na. Hindi ako umaatras sa mga mababang uri ng tao. Hindi naman lahat ng ameoba ay papatulan ko. Yung iba tinatapakan ko nalang at nililibing. Hahaha

Gusto ko sanang umalis dito sa trabaho ko. Pero isang araw naisip-isip ko na meron akong maibibigay sa lugar na ito. Bihira itong mangyari sa akin. Kadalasan ay umaalis nalang ako kasi hindi ako masaya at hindi ako kuntento sa kontribusyon ko sa lugar ng trabaho. Iba ngayon. Ang mga kasama ko ay tunay na tao na walang ibang "agenda" sa buhay. Masayahin sila at matulunggin. Bibigyan ko ng ilang pang buwan bako ako humatol sa aking kapalaran sa ospital na ito. Bibigyan ko nga pagkakataon.

Sunday, January 04, 2004

Balik trabaho

Ang hirap bumalik sa trabaho kagabi. Mahigit anim na araw akong nawala sa trabaho. Maraming masayang bagay ang nangyari sa bagong taong pagsasalo. Gusto kong magbakasyon ng anim na buwan. LOL

Tinamaan kami ng lintik sa trabaho. Dalawang ners ang nagkasakit kaya tatlong ners lang at labing isang pasyente. Nagtulongtulong na lang kami. Anong magagawa ko, maging tamad? Tinulungan ko and dalawang ners na may tig-apat ang pasyente. Nagpaligo kami, nagbigay ng dugo, at kung anu-anupang bagay para matulungan ang may sakit.

Mahirap ilagay ang sarili sa sapatos ng mga kamaganak ng mga pasyente namin. Ako ay beterano na nito ng magkasakit si ama. Hindi magandang ala-ala pero katunayan ito ng buhay. Habang tumatanda na ang myembro ng ating populasyon, maraming matatandang magkakasakit. Handa ba tayong magalaga ng ating magulang? Anong prayoridad natin sila ilalagay? Itapon sa bahay ng pagaalaga (nursing home) at bisitahin tuwing Sabado? Mahirap na tanong. Maraming tamang sagot, walang maling sagot.

Labing dalawang oras na nagaalaga ng may sakit, malaking responsibilidad at walang pagsasalamat sa mga kamaganak. Para sa kanila, trabaho namin ito. Meron namang mga pamilyang ubog kung magpasalamat. Okey sila. Masarap alagaan ang mababait na pasyente. Hindi it roket sayans. Kaya kung nasa hospital kayo kaibiganin ang ners. Huwag aawayin at sila ang magaalaga ng inyong minamahal. Magmumukha kayong bastos pag inaway ninyo ang ners ng minamahal ninyo.

Saturday, January 03, 2004

Digital kamera

Malupit ang teknologe ng digital kamera. Isang tsip na 256 Mb ay merong mahigit dalawang daang litrato. Kaya din nitong kumuha ng pelikula. Sa tatlong araw kong pagaari ng Kodak digital kamera, malakas ang bilib ko sa desenyo nito. Unang una meron itong saksakan ng independenteng pang ilaw (flash). Kitangkita ko ang matinding pangangailangan ko ng kamera na ito. Sa mahal ng mga kamera kailangan lokohin ko ang sarili ko na tama ang pagbili ko at hindi ko sinasayang ang pera ko. LOL

Napakatipid nitong kamera na ito sa baterya. Ang dami ko nang nakuhang litrato at pelikula at hindi pa umaangal ang baterya. Yung isa kong kamera ay napakatimawa sa baterya. Isang kahong baterya ang dala ko para hindi ako mawalan ng lakas kuryente. Sobra, buti na lang at bago na ang teknologi.

Bawi agad ang gastos sa digital dahil walang gastos sa paggawa ng debeloping at kopya ng litrato. Nasa scrin ng komputer ang litrato at kag kailangan mo ng kopya ikopya ma sa printer. Sisiw, walang biyahe sa tindahan ng litrato. Pagtapos na sa kamera, itapon na ang memori. Presko na uli and tsip, handa na sa 200+ na litrato.

Feel ko tuloy ibenta ang mga pilm kamera ko. Pero merong mga bagay na hindi kaya ng digital point and shoot ko and pilm kamera ko so hanggang makahabol and teknologi ng digital, hindi pa puwedeng ibenta ang iba kong kamera. Ang pilm ay mataas ang resolusyon. Walng laban and digital. Lalo na sa "medium format" ang 6x6 na litrato ay 15 MP. walang laban and 4 MP na point and shoot.

Bagong Taon

Ang saya ng bagong taon ko. Unang una ay magkakasama kaming magkakapatid. Bihirang magkasamasama kami ng ganito at bagong taon pa. Maraming "factors" kaya kami nagkaroon ng pagkakataon sa taong ito. Naaprubahan ang hiningi kong eskedyul sa trabaho. Hindi on kol si utol Ti sa trabaho. At walang lakad si utol Ar.

Hindi naubos ang pagkaing inistak ko sa bahay kaya akey lang. Sinigurado kong walang matitira at hindi ko na kaya imetabolays and asukal. Inum kasi ng inum ng coke at walang eksersays. Sapul, diabetes. Okey lang may gamot naman. Akala ko helty hindi na pala.

Napuno ang mga kuwarto ko ng mga tulog na tao. Sabi ni utol Ar, "kasya pa ang apat na tao dito sa bahay mo." Tatlo kasi ang sofa sa bahay. Limang taon na ako sa bahay ko at ni minsan hindi pa ito napupuno ng tao. Paminsanminsan merong handaan pero bihira ito. Dalawa lang kasi ang kaibigan ko. Matalik na kaibigan itong mga ito. Mga tipong kapatid.

Meron din siyempeng mga bagong kilala. Itong kaigiban ng SO ni utol Ar. Ang pangalan ay CSJ. Nakakatawang tao at maingay. Yung bang malakas magsalita. Hindi naman binggi at mas bata siya sa akin. Malakas ang personalidad. Gusto niyang magduktor sa pilosopiya, matinding tao. Bilib ako sa mahilig magdiskasyon ng pilosopiya, mas bilib ako sa mga duktor ng pilosopiya. Mga pilosopong tao ito, walang panalo pagnakikipagdiskasyon ka sa kanila. Akala mo matalino ka pag pinagbigyan ka nila sa iniisip mo pero sa isip-isip nila, tanga ka lang. LOL Si utol Ar ay merong ganitong titulo. Matinding magisip si utol Ar kaya nakakalbo na. Nagiinit kasi ang ulo sa pagiisip kaya nalalagas ang buhok. Siguro kung titigil siya ng pagiisip tutubo uli ang buhok niya. LOL Game si utol Ar, hindi insulto iyun kasi ang iniisip niya ay tanga lang ako. LOL

Magpunta kami sa akwaryum kahapon. Para itong kulunggan ng isda at kung anuanong hayop ng dagat. Eksploytasyon ng mababang uri ng buhay. Kung tayo kaya ang ilagay sa hawla? Pati ibon ay nakakulong para panuurin ng mga taong walang puso. Pinipilahan para hawakan ang malambot at madulas na balat ng sting ray at pating. Mga walng awa, pati ako nakihipo. Parang bata. Ang litrato ko ay parang malaking dambuhalang lublob ang braso sa tubig para hipuan ang mga isda. Walang hiya, walang puri. Mahal kasi ang singgil sa takilya kaya naudyok na makihipo. Bastos talaga. LOL

Medyo may kayabanggan ako kahapon. Umuulan na nga at kamiseta at dyaket na walang "sleeves" and suot ko. Okey lang pag nasa luob ka ng akwaryum, sa labas, basa at lamig ang inabot ko. Lalo na nang lumakad kami papunta sa restawran. Ang lamig, nararamdaman ko ang bara sa puso ko na naninigas. Mukhang istrok o atake sa puso ang dadanasin ko sa lamig. Wala namang nagyari. Buhay pari sa awa ng diyos. Masama kasing tao, puro pera, babaeng mababang puri, at katamaran ang nasa ulo ko. LOL Wala kasing buhay.

Balik trabaho na uli ngayon. Umalis na si utol Ar and ang SO niya. Pait si utol Ti at pamilya niya ay umalis na. Maraming litratong nakunan para idokyumento ang mga pangyayari ng lumipas na tatlong araw. Mahigit na 300 - 400 litrato ang nakunan, hindi pa binilang ang mga wala sa pokus at mga walang plash. Apat na kamera at dalawang kamkorder. Matinding dokumentuhan ito, tinalo ang dyograpic sosayeti. Lo badyet pero hay kwaleti. Okey bah.

Eto wala nang muli tao sa bahay. Tahimik ng muli. Ang huli kong parti ay dalawang taon na ang nakakalipas at wala pa dito si utol Ar. Kaya espesyal itong pagsasalo na ito. Pag meron ng trabaho si utol ay siguradong wala na uling bakasyon iyun, mahirap na uling mag-parti.

Nakausap ko si pinsay Jey. Meron day mga bahay sa Bay area na limang kuwarto at 350,000 dolares lang. Hmmm, matingnan nga. Papasyal ako doon at baka maswertehan.

Ang ganda sa aming magkakapatid ay bihira kaming magkita kaya sabik pag nagkikita-kita. Ang lalayo kasi ng tinitirhan namin. Wala bang plano na magka-tabitabi. Maraming "factors" uli, boring na bagay, hindi importante. Ang importante ay baka kaya gamoong, nang hindi kami magka-awayaway. Yung ang landas ng buhay, tanggapin.

Maswerte kami sa pamana ni ama. Ang sabi ni ama, "wala akong pamana kundi ang pagpunta natin dito sa Amerika." Maraming salamat dad at mom. Kung nasa ibang bansa pa kami, siguradong mahirap ang buhay. Maraming pagpipilian dito sa Amerika. Saang bansa ka pupunta na pag wala kang trabaho ay babayaran ka ng gobyerno? Mabuhay ang Amerika.